Mayor Honey namahagi ng financial assistance sa biktima ng sunog sa Sampaloc at Tondo
Advertisers
PERSONAL na namahagi ng financial assistance si Mayor Honey Lacuna sa mga biktima ng sunog kamakailan sa Sampaloc at Tondo.
Kasama ng alkalde sina Vice Mayor Yul Servo at social welfare department chief Re Fugoso, na nagsabi na personally on hand din ang alkalde nang magtungo sila sa evacuation centers kung pansamantalang dinala at kinukupkop ang mga pamilyang apektado ng malakas na pag-ulan.
Sa kanyang maiksing mensahe sa mga biktima ng sunog, sinabi ng lady mayor na ang pamahalaang lungsod ay palaging nakaalalay para tumulong sa mga biktima na makapagsimulang muli.
Nabatid na ang bawat isang pamilya na nasa 116 ang kabuuang bilang ay tumanggap ng P10,000 cash upang natulungan sila sa kanilang pangangailangan tulad ng pagbili ng materyal na gagamitin sa pagtatayo muli ng kanilang tirahan.
Muli ay ipinaalala ni Lacuna sa mga residente na laging itatanim.sa isipan na kapag may sunog unahing iligtas ang sariling buhay.
Binigyang diin pa ng alkalde na ang materyal na bagay ay madaling palitan, pero hindi ang buhay ng tao.
Pinayuhan din ni Lacuna ang mga apektadong residente na matuto sa nakaraang pangyayari at isaisip lagi kung ano ang mga bagay na maaaring pagsimulan ng sunog. (ANDI GARCIA)