Advertisers
IPINATAWAG ng Land Transportation Office (LTO) ang driver na pumasok sa EDSA Busway at umano’y nagtangkang sagasaan pa ang isang enforcer, ayon sa Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) nitong Martes.
Ayon sa LTO, natukoy na ang plate number ng sasakyan at inatasan ang driver nito na nagpakilalang Mayor Perez ng Bulacan na humarap at magpaliwanag sa tanggapan ng kanilang Intelligence and Investigations Division (IID) nitong Huwebes, Setyembre 4.
Sa social media post, sinabi ng SAICT na naka-encounter ito ng ‘dangerous and reckless incident’ na kinasasangkutan ng isang driver na lumabag sa awtoridad at nagtangkang ilagay sa panganib ang buhay ng isa sa mga operatiba nito Agosto 29, 4:47 ng hapon sa kahabaan ng EDSA Bus Carousel Lane.
Nang hilingin na isuko ang kanyang lisensiya sa pagmamaneho, tumanggi ang driver ng Toyota Hilux pickup na nagpakilalang Mayor Perez ng Bulacan at sinubukang tumakas, tinangkang sagasaan ang enforcer.