Advertisers

Advertisers

Seguridad ni Quiboloy tiniyak ng PNP ‘pag sumuko

0 10

Advertisers

TINIYAK ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang kahandaang pagkalooban ng seguridad si Pastor Apollo Quiboloy kapag sumuko ito.

Ito ang inihayag ni PNP Public Information Office Chief, Colonel Jean Fajardo, kasabay ng pagsabi na ang pagtiyak ay galing mismo kay PNP Chief, General Rommel Francisco Marbil.

Gayunman, sinabi ni Fajardo na walang nakikita ang PNP na banta sa buhay ng Pastor.



Apela ng PNP sa mga tagasunod ni Quiboloy, tumulong sa pagkumbinsi sa kanilang lider na sumuko na sa batas.

Una nang inihayag ng abogado ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na si Atty. Israelito Torreon na nangangamba si Quiboloy na dadamputin siya ng mga Amerikano para panagutin sa kinakaharap niyang hiwalay na kaso sa Estados Unidos, kung susuko ito.