Advertisers

Advertisers

Boy Tosbas ng Maynila, kinokondena ng Kabataang Pilipino

0 67

Advertisers

SANABAGAN!

Kapalmuks itong si Manila Vice Mayor Law Violator, Boy Tosbas Yul Servo na tatakbo pa uli sa midterm elections. yes, how ingrate this ungentleman.

Nakita natin ang ginawa niyang pagbara kay Manila SK Federation President Councilor Juliana ‘Yanyan’ Ibay nang ipinaliliwanag niya ang mga dahilan sa City Council kung bakit mali, ilegal at labag sa Constitution ang pagtanggal sa kanya bilang chairpersons ng Committee on Youth and Sports Development at iba pang komite na ayon sa tadhana at utos ng batas, si Konsi Ibay ay otomatikong kasapi ng iba pang komite sa Sangguniang Panlungsod.



Bastos, kasi habang nagsasalita ang ating lady city councilor, pinalo nang malakas ni Boy Tosbas ang malyete para pigilan magsalita si Ibay.

Inalisan na ng chairmanship, pondo sa mga proyekto ng kabataan, this Boy Bastos, “killed” the freedom of speech of the young lady — na kinatawan ng mga kabataang Manilenyo.

Sa ginawing ito ni Servo-bo, lantarang sinalungat niya ang pahayag ng ating national hero, Dr. Jose Rizal na sinabi: “Ang Kabataan ang Pag-asa ng Bayan.”

Hey, dumaan ka rin sa pagiging bata, at naging kabataang konsehal ng Maynila, sino ang nagturo sa iyo na maging bastos at hindi gumalang sa kapwa mo lingkod-bayan, naturingang “Honorable” e ikaw pala ay “Horrible” unGentleman ng City Council.

Kaya ngayon, hindi lamang SK presidents ng 6 Manila Districts ang nag-aalboroto sa iyong paglabag sa batas, Mr. Law Violator na hindi na dapat pang iboto uli sa 2025.



Maging ang iba-ibang SK Federation presidents ng iba-ibang lalawigan, nananawagan sila na bigyang parusa ng Department of the Interior and Local Government (DILG) si Boly Tosbas kasi, walang kahihiyan na nilalabag ni Boy Tosbas ang Section 50 ng Local Government Code (RA 7160) na dapat hindi nilalabag ang Constitution at iba pang batas sa pagpapairal ng sariling Implementing Rules and Regulation ang mga City and Municipal Councils.

Sa kabastusan sa mga batas, delikado na gayahin si Servo-Bo ng mga bise-alkalde na pag sinumpong ng topak sa ulo, basta na lang sisibakin sa chairmanship ang mga SK Fed president na kaaway sa politika.

Boy Bastos, ultimo SK Fed sa buong Batanes at iba pang kabataang Pinoy sa buong bansa ay may panawagan na tutulan ang masamang asal ni Servo-Bo, kasi nilapastangan nito ang, Section 12 of the Revised Rules Implementing Republic Act No. 10742 ( SK Reform Act na nag-amyenda sa Republic Act No. 11768 na iniuutos na dapat ding maging kasapi si Konsehal Ibay sa regular Committee on Education, Committee on Environment, Employment and Livelihood at ng Committee on Health and Anti-Drug Abuse, and Gender and Development.

Feeling high and mighty itong si Boy Tosbas na sa pagkunsinte ni Mayora Honey Lacuna, damay siya sa paglabag sa Constitution at iba pang batas.

The removal of Councilor Ibay from her rightful chairpersonship is not only an affront to her authority, opo, si Boy Tosbas ng Manila City Council ay dapat kinakastigo ni DILG Sec. Ben Abalos, pero wala lang at ang mga kinatawan kuno ng Kabataan sa House of Romualdez, pipi at bulag lang sa nangyayaring pambabastos ni Yul Servo-Bo sa batas na ang legislature ang lumikha at nag-apruba.

Lantarang pambabastos din ito sa Presidente ng Pilipinas na ang isang Yul Servo-Bo pala ay kayang-kayang lumabag nang walang takot sa batas ng Republika.

Ayon sa isang SK Fed ng Batanes, ang ginawa ni Yul ay dapat kondehahin ng lahat ng Kabataang Pilipino, dahil ang SK Reform Law ay tumitiyak na ang boses at mga karapatan ng Kabataang Pinoy ay iginagalang, pînoprotektahan ng bawat city and municipal at provincial council.

Pero itong Boy Tosbas ng Maynila — na premier city ng Pilipinas — ay ipinakikita na siya ay walang galang, walanghiya sa batas at sabi nga ng Batanes SK Fed, ang ginawa ni Yul Servo-Bo ay pagpapakita ng power trip at kabastusan sa lahat ng SK officials sa buong bansa.

Kayong Manila voters, iboboto nyo ba uli si Boy Tosbas sa City Council, aba kung iboboto siya uli as Vice Mayor, magiging sikat ang Maynila na Bastos Capital of Metro Manila at ng buong bansa.

Eto ang mga komento na nakita ko sa social media tungkol sa kabastusan ni Boy Tosbas:

“Ang galing ni Konsehala! Naninindigan para sa kapakanan ng kapwa kabataan ng Maynila.

Sobrang malinaw ang batas ng Republika ng Pilipinas, kahit hindi nakapagtapos ng Abogasya eh maiintindihan yan.

“Malinaw na ang “Youth & Sport Commiittee” ay para sa SK Pederasyon President.

“Ang dahilan ng konseho (ng Maynila) ayy wala daw tayong iisang “Youth & Sports Committee”, hiniwalay daw nila ito sa “…..Youth Committee” & “……Sports Committee” kaya hindi daw tayo saklaw ng SK Reform Law ng dahil lang sa pagpapangalan ng Committee. Very lame excuses, edi ibigay kay konsehala ang mga Committee na para sa kapakanan ng Kabataan at Sports dahil yan ang sinasabi ng batas.

“Minsan lang magkaroon ng ganitong representate ang kabataan ng Maynila. Kaya sobrang nakaka proud! We support you Councilor Yanyan Ibay.”

Eto ang isa pa: “I STAND, SUPPORT and COMMEND with the SK Federation President of the City of Manila. Hindi nasayang ang boto sayo ng mga Katipunan at Sanggunian ng mga Kabataan sa kalakhang Maynila, naway maging ehemplo ka ng maayos, matuwid at matapat nang pamamahala sa larangan ng mga adbokasiya para sa kabataan.”

Sabi pa, politically moivated ang pagsibak kay Konsehala Ibay, kasi po, siya raw po ay isa sa maraming SK official Maynila na sumusuporta kay Yorme Isko Moreno, ay kaya pala,

Ginigipit ni Boy Tosbas si Konsehala Ibay para magpalit ng supora at sila ni Mayora Honey ang suportahan.

Hoy, Boy Tosbas, si Konsehala Ibay po ay masunurin sa batas, gumagalang sa Konstitusyon at hindi sasama sa Law Violator na tulad mo.

Teka po, sa isang Manila based broadsheet, naibalita na 17 city councilors ang dismayado kay Yul Servo-Bo na mahilig daw sa mga “secret deals.”

Pag daw kinontra si Servo-Bo sa session, babayuhin na agad ang malyete at hindi na pagsasalitain ang isang konsehal na may nais na ipaliwanag o may pagtutol sa mga panukalang batas o resolusyon sa City Council.

Kasi kayong Manila voters ay dapat nang maging mapanuri sa inyong iboboto, kasi gusto ba nyong matulad ang inyong anak sa inuugali ng inyong Vice?

Aba, kung nais nyo ng matinong presiding officer ng Manila City Council, ang iboto ay ‘yung tagapagtanggol ng karapatang pantao, mapagmahal sa Kabataan at higit sa lahat, masunurin hindi violator ng Constitution.

Yung mga violator ng Saligang Batas na tulad ni Yul Servo-Bo ay dapat na ibinabasura sa imburnal ng kawalang galang sa kabataan at sa dangal, honor ng maningning na Siyudad ng Maynila.
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe lang sa bampurisima@yahoo.com.