Advertisers
Tila mahaharap sa matinding karma ng WAR ON DRUGS ng DUTERTE ADMINISTRATION itong si dating POLICE COLONEL ROYINA GARMA na naging PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE (PCSO) GENERAL MANAGER dahil sa mga rebelasyong ginaganap sa pagdinig ng CONGRESS QUAD COMMITTEE (CQC) na ito ang nag-facilitate sa pagpapalikida sa 3 CHINESE DRUG LORD na nakapiit noon sa DAVAO PENAL COLONY.
Lumalabas sa naging rebelasyong ng ilang RESOURCE PERSON ng CQC na si GARMA ang itinuturo na naging instrumento para paslangin ang mga CHINESE DRUG LORDS na sina CHO KIN TONG, JACKSON LEE at PETER WANG noong July 2016 sa loob mismo ng PENAL COLONY.., na ang kinasangkapan para sa planadong pamamaslang ay sina LEOPOLDO TAN JR at FERNANDO MAGDADARO na kapuwa PDL sa nasabing piitan.
Sa latest na pagdinig ng CQC.., itong si dating DAVAO PENAL COLONY SUPERINTENDENT GERARDO PADILLA na base sa testimonya nina TAN at MAGDADARO na bahagi ang una sa pagpapatumba sa 3 CHINESE DRUG LORDS.., ay napaamin na siya ay tumanggap ng utos na huwag itong makialam sa gagawing operation.
Sa naging pahayag ni PADILLA sa CQC.., ang utos ay nanggaling umano kay GARMA sa pagsasabing “may mga tao kami riyan na gagawa at huwag mo na kuwestiyunin, and whether you like it or not we will operate and do not interfere, baka madamay pa pamilya mo”.., wowww matindi!
Sa kalaunan ay nadiskubre ni TAN na ang utos para patayin ang 3 CHINESE DRUG LORDS ay direktang galing kay EX-PRES. RODRIGO DUTERTE nang si PADILLA ay makatanggap umano ng tawag mula kay DUTERTE na ito ay nabosesan ni TAN at nag-congrats kay PADILLA para sa JOB WELL DONE.
Bahagi sa isinasagawang pagdinig hinggil sa EXTRA JUDICIAL KILLINGS ay naglabas ng subpoena ang CQC para sa pagdalo ni GARMA sa CQC HEARINGS.
“These are not isolated incidents but part of a broader pattern of abuse that we believe Garma had a direct hand in. The gravity of these allegations cannot be overstated. We need her testimony to understand fully how these operations were conducted and to hold accountable all those involved,” pahayag ni CHAIRMAN ROBERT “ACE” BARBERS.
Mga ka-ARYA.., kung pagbabasehan ang mga rebelasyon ng mga RESOURCE PERSON ay lumilinaw at lumilinaw na si EX-PRES. DUTERTE ay ginamit nito ang PHILIPPINE NATIONAL POLICE (PNP) bilang kaniyang PERSONAL HIT SQUAD.., na ang kaniyang mga paborito at pinagkakatiwalaang enforcers ang binibigyan nito ng JUICY POSITIONS sa ating gobyerno tulad ni GARMA.
Ngayon ay kinakailangang lumutang sa CQC HEARING itong si GARMA.., yan e kung wala siyang itinatagong krimen at ito na ang pagkakataon niyang malinis at maihayag naman ang mga katotohanan laban sa mga ipinupukol sa kaniya.., o kung sadyang may katotohanan ang akusasyon sa kaniya ni TAN at MAGDADARO ay oras na upang magkaroon ng pagbabago sa ating GOVERNMENT SYSTEM at masupil ang mga TOP OFFICIALS sa pamamayagpag ng katiwalian.., ika nga, huwag solohin ni GARMA ang KARMA.., at sa ngalan ng pagbabangon sa INTEGRIDAD ay ibunyag na nito.., kung si EX-PRES. DUTERTE nga ba ang MASTERMIND sa pagpapalikida sa 3 PRESONG CHINESE NATIONALS?
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com
para sa inyo pong mga panig.