Advertisers
Ni Mercy Lejarde
KUMPLETO ang casting na dumalo headed by Jeric Raval na siyang gumanap na Marcos Mamay with Ara Mina as Mrs. Marcos Mamay and a lot more.
“This is a very inspiring movie. I want people especially those who belong to the marginalized sector to know that there is always hope and opportunities to reach your dreams if you focus all your energies on it.
“Kailangan din na magsumikap ka para maabot ang anumang pangarap mo. This movie tells that poverty is not a hindrance to succeed in life..” pahayag ni Mayor Mamay after ng nasabing premiere night nila.
Oo nga naman. Talagang need nating lahat ang magsumikap…magpakasipag para umasenso sa buhay at maabot natin ang ating mga pangarap tulad ng ginawa ni Mr. Marcos Mamay na ngayon ay Mayor na ng Nunungan Lanao.
And in pernes kay Jeric ay nagampanan niya nang husto ang role niya bilang Marcos Mamay as if from rags to riches ika nga. Wala pa rin kupas ang pagiging action star nitong si Jeric kahit na 14 na ang kanyang mga apo at the age of 60.
Coming soon na ang Marcos Mamay Story in theaters nationwide and pls don’t fail to watch it, okidoki? Yun na!
***
MELAI.BUMALIK SA BAHAY NI KUYA PARA SA ISANG SPECIAL MISSION
NAKABALIK muli sa loob ng bahay ni Kuya si Melai Cantiveros hindi lamang para maghatid saya sa mga housemate kundi pati na rin sa kanyang special mission na may kaugnayan sa kanilang weekly task ngayong linggo sa “PBB Gen 11.”
Inatasan ni Kuya si Melai na pasayahin ang housemates matapos ang nagdaang linggo kung saan pinarusahan sila sa kanilang violations sa loob ng bahay pati na rin sa naging eviction nina Dingdong at Patrick.
Kailangan ding tulungan ng Kapamilya host ang housemates sa kanilang kasalukuyang weekly task na pag-prodyus ng isang Tagalog-Bisaya musical/play.
Ika ni Kuya, perfect choice si Melai para sa task na ito lalo na at siya’y proud Bisaya at may sariling Bisayan talk show na “Kuan on One.”
Dito na rin nagpasalamat si Melai kay Kuya sa naging oportunidad na maging housemate noon ni Kuya sa “Pinoy Big Brother: Double Up,” kung saan siya rin ang nagwaging Big Winner.
“Thank you sa’yo. Kung hindi ako nagsimula rito, talagang walang mapupuntahan ang aking pagka-Melai,” aniya.
Bukod kay Melai, katuwang din ng Housemates ang 2023 World Hip Hop Dance Champions na Legit Status, tampok ang New Gen Dance Champion na si Gela Atayde at Coach Jimi Rivera para pagandahin ang kanilang dance choreography.