Advertisers

Advertisers

MARCOS SINOPLA ANG KONDISYON SA PAGSUKO NI QUIBOLOY

0 12

Advertisers

SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na wala na sa kamay niya ang kapalaran ni Pastor Apollo Quiboloy, ang founder Kingdom of Jesus Christ (KJC).

Aniya wala ng silbi ang kondisyon ni Quiboloy para sa kanyang pagsuko.

Ayon kay Marcos nasa kamay na ng korte ang kapalaran ng pastor na may arrested warrant dahil sa qualified human trafficking at child abuse.



Unang hiniling ng kampo ni Quiboloy na gumawa ng deklarasyon si Marcos na nagsasabing hindi siya ibibigay sa kustodiya ng gobyerno ng Estados Unidos, partikular na sa Federal Bureau of Investigation (FBI).

Nahaharap sa Estados Unidos sa mga kasong sex trafficking, fraud, and coercion si Quiboloy.

Higit isang linggo nang ginagalugad ng daan-daang pulis ang KJC Compound sa Davao City sa paghahanap kay Quiboloy.

Samantala positibo ang Philippine National Police (PNP) na hindi pa nakakalabas sa compound ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa Davao city ang puganteng si Pastor Apollo Quiboloy.
Ayon kay Philippine National Police Public Information Officer (PIO) Chief Police Colonel Jean Fajardo, malaki ang posibilidad na mayroong informant ang puganteng pastor kung kaya’t hindi nila ito mahuli.

Aniya, sa tuwing may nade-detect ang kanilang equipment na sign of life sa ilalim ng lupa ay tila tumatakbo ito at lumilipat ng ibang lugar.



Bukod dito, ipinunto rin ni Fajardo na isa ring indikasyon na nananatili pa sa compound si Quiboloy ay ang matinding resistance ng kaniyang mga taga suporta na pumipigil sa ginagawang operasyon at paghahalughog ng kapulisan sa lugar.

Una na ring sinabi ni PRO11 Regional Director, PBGen. Nicolas Torre II na kumpiyansa silang malapit nang maaresto ang puganteng pastor.

***

Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0939-7177977 at 0936-8625001 o di kaya mag-email banderapilipino@yahoo.com/balyador69@gmail.com.