Advertisers
Tila malaking insulto sa mga MAMBABATAS na pawang nagsipagtapos ng iba’t ibang ACADEMIC COURSES ay papaikutin ng isang 24-anyos na si CASSANDRA LI ONG sa pagsasabing elementarya lang ang naging edukasyon ay kasing-husay ito ng mga BIG TIME BUSINESSMEN at napangangasiwaan nito ang maiskandalong negosyo na PHILIPPINE OFFSHORE GAMING OPERATORS (POGO) sa PORAC, PAMPANGA na WHIRLWIND CORPORATION.
Sa ika-4 na CONGRESS QUAD COMMITTEE (CQC) HEARING nitong September 4, 2024 ay muling isinailalim sa interogasyon hinggil sa pagkakasangkot nito sa POGO OPERATIONS kung saan ay siya ang MAJORITY SHAREHOLDER ng WHIRLWIND CORPORATION.., na tila nagagawa niyang imaniobra ang masinsinang pagtatanong ng mga CONGRESSMEN sa pagpapanggap na inosente at ignorante.
Ang SELF PROCLAIMED DROPOUT na si CASSY ay nagpamalas ng taktika sa naging pagdinig ng CQC na tila isa itong mabangis na tigre na nagpoposturang tupa.., na alam nito kung kailan sasagot, kung kailan magmemenor, kung kailan ito hihiling na makausap ang kaniyang abogado o kaya ay mas magiliw ito sa pagsagot sa mga batang CONGRESSMAN sa pag-aakala marahil na makukuha niya ang simpatiya ng mga ito kung pagaganahin ang kaniyang PABEBE EFFECT.., na para bang kay CASSY ay isang katuwaan o laro lamang ang lahat kaya nanggalaite ang mga bumubuo ng CQC at nalitanya tuloy ni LANAO DEL SUR 1st DISTRICT REPRESENTATIVE ZIA ALONTO ADIONG ang mga katagang “MASYADO KANG PA-CUTE EH!”
Unang sumabak sa pag-uusisa ay si SURIGAO DEL SUR 2nd DISTRICT REPRESENTATIVE JOHNNY PIMENTEL na nabuwisit din dahil sa mga alibi ni CASSY hinggil sa mga impormasyon sa involvement niya sa LUCKY SOUTH 99 at ang relasyon niya kay DUANREN WU.., na ang tugon nito ay titingnan niya ang kaniyang record.
Sumunod na nag-usisa ay si SURIGAO DEL NORTE REPRESENTATIVE ROBERT ACE SMITH BARBERS hinggil sa kung paano napondohan ng WHIRLWIND CORP. ang pagpapatayo ng 46 gusali sa PORAC POGO COMPOUND.., na wala ring napigang impormasyon mula kay CASSY sa halip ay tumugon ito na “E DI TANUNGIN NYO SILA!”
Lalo pang naging masalimuot ang mga naging tugon ni CASSY nang usisain naman siya ni BUKIDNON 2nd DISTRICT REP. JONATHAN KEITH FLORES sa kung ano ang papel nito sa WHIRLWIND at LUCKY SOUTH 99 na sa kalauna’y dati rin pala itong MAJOR STAKEHOLDER ng LUCKY SOUTH 99 na patuloy pa rin nitong ikinakaila., na lalo lamang nababaon ito sa kaniyang pagsisinungaling at bumibigat pang lalo sa kasong kaniyang kakaharapin.
Bunsod nito.., si STA. ROSA, LAGUNA REP. DAN FERNANDEZ na nagpakita ng simpatiya kay CASSY ay nagbabala na ang pagbawi nito sa noo’y pagpayag na niyang paglagda sa WAIVER para sa BANK SECRECY LAW ay magpapatagal ito sa imbestigasyon at magreresulta ito na lalo siyang pagdududahan kung saan nanggaling ang kaniyang ipinang-pondo sa naitayo niyang mga negosyo.
Mahirap nga naman mapaniwalaan na ang isang MAJOR STAKEHOLDER ng CORPORATION na siya ring INCORPORATOR, taga- hawak ng salapi at authorized representative ay magpapahayag na wala siyang kinalaman o kaalaman sa POGO OPERATIONS.., o sino-sino kaya ang mga pinangingilagan nito dahil nasabi niyang ayaw raw niyang magipit sa nag-uumpugang malalaking bato.., na siyempre ay mas lalo siyang uuriratin kung sino yaong malalaking bato o malalaking personalidad.
Pansinin din natin mga ka-ARYA.., na ang kaniyang abogado ay ang bigating abogado ng DUTERTE CLAN na si ATTORNEY YES YES YO FERDINAND TOPACIO na ito rin ang abogado sa inaakusahang RAPIST at PEDOPHILE na SPIRITUAL ADVISER ni EX-PRES. RODRIGO DUTERTE na si PASTOR APOLLO QUIBOLOY at abogado rin ito ni EX-PRESIDENTIAL SPOKESMAN ATTY. HARRY ROQUE.., nagkataon lang kaya o kabilang si CASSY sa sirkulo o alaga ng TROPANG DUTERTE?
Kung isang FUN GAME lamang ito sa pananaw ni CASSY ay mas dapat maging maabilidad o mataktika ang mga ACADEMIAN LAWMAKERS natin sa kung paano nila makuha ang tiwala at hindi mapaikot ng isang SELF PROCLAIMED DROPOUT.., upang tuluyang makipagkooperasyon ito hanggang sa maipataw ang GENUINE JUSTICE.., at dapat ay matiyak ang mahigpit na seguridad sa mga RESOURCE PERSON dahil sila ang mga ebidensiya at kung sila’y maglaho ay mamamayagpag lalo ang mga ASTIG na PERSONALIDAD sa ating lipunan!
***
MASS OATH TAKING NG CRIMINOLOGISTS.., MASS MAGASTOS…?
Dumadaing man ay hindi magawang makapagreklamo ng mga pumasa sa CRIMINOLOGY BOARD EXAM dahil ang idadaos na MASS OATHTAKING ng PROFESSIONAL REGULATION COMMISSION (PRC) ay sandamakmak na bayarin ang kailangang magawa ng mga pumasa sa exam.., naku e paano na ang mga pumasa na kabilang sa mga dukhang pamilya?
Ang MASS OATHTAKING na itinakda ng PRC ay sa September 28, 2024 na ang mga bayarin ay kinabibilangan ng.., INDUCTEES FEE na P3,000; P900 per guest kaya P1,800 para sa 2-katao; Jacket 2tone- P2,500; Jacket regular-P1,750; Wallet with badge- P800;
Necklace- P350; Key chain- P250.
Ang mga ito raw ay kailangang bayaran o bilhin ng mga BOARD PASSER at kung hindi kakayanin ay walang karapatang dumalo sa okasyon ang mga ito.., na ang sandaling okasyon ay hindi pa rin naman agad makapagta-trabaho ang mga ito na kinakailangan pang sumalang at pumasa sa POLICE TRAININGS.
PAGING PRC CHAIRMAN HONORABLE CHARITO ZAMORA.., panawagan ng mga mahihirap na ESTUDYANTE lalo na ng kanilang mga magulang na hindi ba maaaring simplehan na lamang ang OATHTAKING na bawasan ang mga bayarin tulad sa INDUCTEES FEE na gawin na lamang kahit 50O pesos bawat mag-oath dahil marami naman ang manunumpa at bawasan ang bayaring borloloy?
Oo nga naman po.., puwede namang isang jacket lang at huwag na munang isama ang wallet with badge (dahil hindi pa naman sila ganap na pulis), necklace at keychain.., na ang mga ito e sa oras na makapasa sa POLICE TRAINING ay saka na lang sila pabilhin ng kanilang wallet with badge, keychain at singsing ng isang ganap na pulis dahil may allowance na ang mga ito sa kanilang TRAINING SESSIONS.., kasi po ay marami sa mga BOARD PASSER ang salat sa pera dahil kabilang sila sa mga DUKHA o POOR FAMILY!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.