Advertisers
Ni Beth Gelena
ISANG netizen ang nakapansin na hindi suot ni Erwan Heussaff ang wedding ring nila ni Anne Curtis habang nagluluto ito.
Sa kanyang IG Stories ay tinuturo ni chef Erwan ang pagluluto ng Chicken Cordon Bleu.
Aniya: “Chicken Cordon Bleu is always a fun dish to make, especially if you are getting tired of your chicken breast recipes.
Habang pini- prepare ng mister ni Anne ang lulutuing chicken napuna nang mapagmasid na mata ng netizen na walang suot na ring si Erwan.
Komento niya sa comment section: “He is no longer wearing the wedding ring.”
Agad na sinagot ng chef ang komento, “Lol, you shouldn’t believe news from random accounts on Facebook with a smiley emoji.”
Pinagtanggol naman ng ibang netizen si Erwan.
Ani ng isang netizen, “gumagawa ka ng issue”
“Sorry po, nasanay lg siguro ako na all vids mo you always wear it”
Pina-padelete naman ng isang commenter ang komento, “Oa at marites at its best… Time to delete your nonsense comment”
“Issue si ate kaloka”
“Kaloka teh nilamon na ng fake news yang utak mo”
“Mahal ni Erwan ang family niya. Marites ka po masyado.”
Parang may ibig namang sabihin ang komentong ito.
“Mas gusto kong I’m wrong kaysa tama re: their rumor divorce. I like the family, but the way the couple and relatives handle the issue parang totoo compare before na nagkaka issue sila. Again, I hope talaga na fake news lang at mali ako. But if its true, sana mag second thought pa sila, try to reach out sa mga taong malapit sa kanila for opinions, see marriage and spiritual counselor, wala naman mawala try nila for the sake of their daughter. But pag wala na talaga nakakalungkot, nakahihinayang, hirap tanggapin. Maybe God have other plan for them. God bless the family!”
Hala, umiinit na naman ang isyung hiwalayan kina Anne at Erwan.
***
SHEENA GUSTO IPAHIRAM ISA
ANAK KAY REGINE
SA uploaded video ni Sheena Halili kung saan sinasabayan niya ang kanta ni Regine Velasquez. Habang kalong ang baby na si Jio ay tila naman pinapatigil siya ng panganay niyang si Martina.
Nagkukulitan ang mag-ina dahil gustong takpan ni bagets ang bibig ng ina, naiingayan siguro kasi natutulog si bunso.
Nagbiro ang Kapuso aktres sa caption na sinulat referring sa Asia’s Songbird.
Aniya, “may newborn na may toddler pa!
“wala pong nasaktan sa video • no copyright infringement intended”
“Ninang @reginevalcasid baka gusto niyo muna po hiramin isa sa anak ko joke lang!”
Si Halili ay kinasal sa lawyer na si Jeron Manzanero last February 23, 2020.
***
KYLINE NAGPALIWANAG SA ISYUNG KANDONG KAY KOBE
BAGO umalis si Kyline Alcantara patungong New York ay sumalang muna siya sa programa ni Kuya Boy Abunda, ang Fast Talk With Boy Abunds.
Natanong ng King of Talk ang viral video ng Kapuso aktres kung saan nakakandong siya sa rumored boyfriend na si Kobe Paras.
Paliwanag ni Kyline, kuha ras yun sa isang event ng friend niya na naging friend na rin ni Kobe.
Aniya: “Tito Boy pinapakanta po kasi siya. E, first time raw po niya dahil hindi siya marunong kumanta.”
Inamin niyang nakakandong nga raw siya kay Kobe habang tinuturuan niyang kumanta si Kobe at wala naman daw siyang nakikitang malisya sa doon.
“Saka andoon po ang parents ko, Tito Boy.”
Sa fast talk naman niya kay Kyline.
Long hair, short hair?
“Long hair,” sagot ni Kyline.
Diretsahan ding tanong ng TV host, “kayo na ba ni Kobe?”
Ani Kyline, “kuya Boy, sorry po hindi ko po masasagot ang tanong.”
Pero nagbigay naman ng hint ang dalaga.
“Halimbawa po kuya boy, agree po ba kayo?”
Yun na!