Advertisers

Advertisers

GEN. QUESADA, KALADKAD SA ILIGAL NA SUGAL SA MINDORO PROVINCE?

0 15

Advertisers

DISYEMBRE 2023 ng maitalaga sa pwesto si Police Brigadier General Roger Quesada bilang regional director ng Police Regional Office MIMAROPA pero wala itong inilabas na polisiya kung ano talaga ang “official stand” niya sa iligal na sugal na talamak sa ilang probinsya sa Mimaropa. Hindi tulad ng dating regional director PBGen. Joel Doria na pagka-upo palang ay nagdeklara agad ng “No Take” Policy sa illegal gambling.

Hindi natin alam kung alam ni Gen. Quesada na may gumagamit ng kanyang pangalan na na nangongolekta ng intelihensya sa mga bigtime na operator ng Perya na nag-ooperate ng iligal na sugal tulad ng color games, beto-bito, baraha at drop ball sa lalawigan ng Occidental at Oriental Mindoro.

Malamang isa sa mga dahilan ng pananahimik ni Quesada sa isyu ng iligal na sugal dahil sa umanoy ‘milyong pisong payola’ na nakokolekta ng mga aktibong pulis na sina alyas Liyag at Herandez mula sa mga organisadong gambling operator.



Alam kong magaling magiting at matinong opisyal itong si Gen. Quesada kaya gusto kong manawagan sa kanya.

Hangga’t may mga ganitong sumbong kasi na nakararating sa inyong abang lingkod, hindi maaaring hindi tayo lalapit sa kanya para manawagan ng kanyang mabilisang aksyon.

Lalo pa’t mismong sina DILG Sec. Benhur Abalos at PNP Chief, Rommel Francisco Marbil ang nagbibigay atas sa kanila na hindi nila kailanman papahintulutan ang anumang uri ng illegal na sugal sa buong bansa.

Mga aktibong pulis pa naman ang hayagang gumagamit ng kanyang pangalan para manghingi ng ‘protection money, gaya ng “goodwill”, weekly payola o tongpats, kapalit ang malayang operasyon ng kailigalan sa nasabing mga lalawigan.

Akalain mo kung saan ang punong tanggapan ng Camp Efigenio Navarro na matatagpuan sa lungsod ng Calapan ay talamak sobra ang iligal na sugal.



Siguro masyado lang busy sina Abalos at Marbil sa kaso ni Pastor Apollo Quiboloy kaya hindi nila napapansin ang ‘performance’ ni Gen. Quesada maging ng mga provincial director ng dalawang probinsya.

May panahon pa naman para magpakitang gilas si Gen. Quesada. Iyan ay kung tatalima siya sa sa “Marching Order” na “No Take Policy” na pinaiiral sa pambansang pulisya.

Ayaw kong isipin na inutil si Gen. Quesada at lalong ayaw kong magbintang na nakikinabang sya sa iligal na sugal na pino-protektahan ng ilang tiwaling pulitiko.

Wala kasi tayong planong siraan si Gen. Quesada pero para sa ikalilinis ng kanyang pangalan, dapat ay personal niyang sorpresahin at ikotan sa gabi-gabi ang 15 bayan/siyudad sa Oriental Mindoro at ang 11 bayan sa Occidental Mindoro para maberipika niya na positibo ang sumbong na inilalahad natin. sa

Sana lang kumilos agad si Gen. Quesada kasi, pati mga menor de edad ay hinahayaan ng mga gambling operator at mga barangay opisyal na magsugal kaya tinatawagan din natin ang pansin nina Occidental Mindoro Provincial Director PCOL TIMOTEO ESPIRITU, JR, at Oriental Mindoro Provincial Director PCOL SAMUEL DELORINO na aksyunan ang mga naglipanang pergalan (perya-sugalan) sa kanilang areas of responsibility (AoR).

Bukod sa color games, beto-bito, baraha at drop ball ay lantad din ang presensya ng mga kubrador ng jueteng sa lalawigan nina Governor Eduardo Gadiano at Governor Humerlito Dolor.

Kaya wag kayong bibitiw, may kasunod pa ito!