Advertisers

Advertisers

Junior Altas swak sa q’finals ng U-19 NextGen Basketball League

0 4

Advertisers

TINAMBAKAN ng University of Perpetual Help System DALTA ang Jose Rizal University,105-59, para makamit ang first quarterfinal berth ng Under-19 Next Generation Basketball League (NGBL) sa Aero Center sa Quezon City.

Jan Daniel Pagulayan umiskor ng 19 points,five assists,three rebounds at two steals para tulungan ang Las Piñas-based squad na masungkit ang kanilang limang sunod-sunod na tagumpay sa Group A.

“First of all, what we prepared in this game is defense,” Wika ni Pagulayan.



“We just focused on defense. On offense, the plays will come, and coach [Jeoph Cleopas] told us to just invest on defense.”

Nagtala rin ang Perpetual ng 30 assists,20 steals at seven blocks.

AJ Lacusong at CJ Satparam nag-ambag ng 12 at 10 points,ayon sa pagkakasunod, para sa Light Bombers na nalasap ang kanilang pangatlong kabiguan na may 2 panalo.

Samantala, Dinaig ng San Beda University ang Letran,95-87, upang manateli sa pangalawang puwesto taglay ang 3-1 sa Group B.

Pinamunuan ni Randaile Medroso ang Red Cubs sa iniskor na 17 points,seven rebounds at two steals.



Umiskor si Daniel Padilla ng 19 points,at three rebounds para sa Squires, na sa fourth place 2-2.

Sa iba pang laro, Tinuldukan ng Nazareth School of National University ang thre game winning streak ng Mapua University 84-52.

UAAP Season 86 Juniors MVP Collins Akowe nagtala ng 13 points at nine rebounds para sa Bullpups, Habang pinamunuan ni Sean Salvador ang Red Robbins sa iniskor na 12 points at three steals.