Advertisers

Advertisers

Kristine nanganak na sa baby No. 6; Ken nagbabala sa gumagamit ng kanyang pangalan

0 15

Advertisers

Ni Rommel Placente

MAY bagong baby ang celebrity couple na sina Kristine Hermosa at Oyo Sotto. Ipinanganak na kasi ng una ang ika-anim nilang anak ng huli.

Ang masayang balita ay ibinandera mismo ni Oyo sa kanyang Instagram account, kung saan ipinakita ng aktor ang picture ng limang anak, kasama ang newborn baby.



Ang caption niya sa post, “Testimony of God’s faithfulness. You deserve all praises and glory Lord Jesus Christ!”

Nilagay rin ni Oyo ang pangalan na ibinigay nila sa anak na Isaiah Timothy, pati na rin ang petsa ng kapanganakan nito na isinilang noong September 4.

Nag-post din sa IG ang ina ni Oyo na si Dina Bonnevie at ipinasilip niya rin ang bagong apo.

“And just like that I am a happy grandma for the 9th time,” proud na sinabi ni Dina.

“Thank you Lord for granting a safe delivery for Tin and for bringing another healthy grandchild, Isaiah Timothy, into our family,” aniya pa.



Masayang-masaya rin ang kapatid ni Kristine na si Kathleen Hermosa kung saan shinare niya sa IG Story ang post ni Oyo.

“Our very first blessing and most awaited for the month!” sey ni Kathleen sa bagong silang na pamangkin.

“Can’t wait to see you and the rest of your siblings!”

Kasunod niyan ay ibinandera niya rin ang selfie picture ng kanyang kapatid kasama si baby Isaiah.

“‘Yung bagong panganak ka pero ito na ang pinakahulas that you can get. Paano ito Lord?! ‘Yung walang kahit anong makeup like her too!! ” biro niya sa caption.

Mensahe pa niya, “LOVE YOU TIN! Proud of you! Thank you Lord for blessing us with Timothy!!”

Aniya pa, “Excited to carry you Timothy!”

Ang daddy Vic Sotto naman ni Oyo, sa pamamagitan ng kanilang show na Eat Bulaga ay binati rin ang mag-asawa sa pagkakaroon ng bagong anak.

***

NANANAWAGAN si Ken Chan sa publiko para bigyan ng babala tungkol sa isang taong gumagamit umano sa kanyang pangalan, larawan, at nanghihingi ng pera.

Panawagan niya: “Hello everyone, if you ever received a message from this telegram account, please ignore and report it because he is using my name to ask for money from my family and friends.”

Ibinahagi rin ng aktor ang screenshot ng mensaheng natanggap niya mula sa isang taong ginamit ang pangalan ni Boss Vic del Rosario, ang producer ng Viva Films at COO ng Viva Entertainment.

Hiningi ni Ken ang tulong ng mga tao na isumbong sa kinauukulan ang gumagamit sa pangalan ni Boss Vic sa pamamagitan ng kanyang Facebook appeal.

Aniya, “Even Boss Vic Del Rosario of Viva Films dinamay din! Please help me to report this.”