Advertisers

Advertisers

Panawagan ni Mayor Honey: “Yakapin, halikan at mag-I love you sa mga lolo at lola”

0 17

Advertisers

“YAKAPIN, halikan at mag-‘I love you’ kayo sa inyong mga lolo at lola”.

Ito ang panawagan ni Manila Mayor Honey Lacuna sa lahat ng mga mayroon at kapiling pa ang kanilang lolo at lola kung saan sinabi nya mapapalad silang matuturingan.

Ayon kay Lacuna ay kaisa siya ng lahat ng Manileño sa pagdiriwang ng ‘Grandparents’ Day’ at sa pagbibigay parangal sa mga senior citizens na ibinigay ang malaking bahagi ng kanilang buhay sa pagpupunyagi na magkaroon ng magandang buhay ang kanilang pamilya, mga anak, mga apo at makapag- ambag din sa progreso ng lungsod.



“If our lolo and lola are still with you, show them how much you love them. Pay them a visit, hug them, kiss them, shower them with care,” pahayag ni Lacuna.

“In fact, everyday should be grandparents’ day. We owe a lot to them,” giit ni Lacuna kung saan binanggit din niya ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga lolo at lola sa isang pamilya.

Bilang matriyarka at patriyarka, ang mga lolo at lola ang pinagmumulan ng karunungan at gabay.

Nanawagan din ang lady mayor sa mga may trabaho na pasayahin ang kanilang mga lolo at lola sa pamamagitan ng pag-treat sa kanila at pagreregalo kahit munting bagay lang.

Para naman sa mga wala pang trabaho, ang paggawa at pagbibigay ng greeting cards sa kanilang mga lolo at lola ay sapat na para magbigay kaligayahan sa kanila.



“Honoring them is the least that we can do. We should not neglect them just because they are no longer as useful as they used to be,” saad ni Lacuna. (ANDI GARCIA)