Advertisers

Advertisers

TANAUAN POLICE CHIEF, MAG-INGAT SA MANGGAGAMIT!

0 1,209

Advertisers

MARAMI ang nagtaas ng kilay, meron din naman umiling at ang iba tumango tanda ng pagsang-ayon. Ito ang magkakaibang reaksyon sa pagkakahirang kay Police Lieutenant Colonel Ronnie Siriban bilang pinakamataas na pinuno ng kapulisan ng siyudad ni Tanauan, Batangas Mayor Sonny Collantes.

Bilang Tanauan City Police Chief ay malaki ang responsibilidad na nakaatang at kinakaharap ni Siriban na tanging mga piling-pili lamang o kung tawagin sa kapulisan ay mga “cream of crops”, may kakayahan at pinagkakatiwalaan ang nabibigyan ng pambihirang pagkakataon na pamunuan ang siyudad na may 48 barangay at daang libong mamamamayan.

Hindi lamang isa sa pinaka mataong lugar at maunlad ang ekonomiya, ngunit isa rin ang Tanauan City sa may malalim na suliranin sa pang kaayusan at pangkapayapaan kundi maging sa kriminalidad na likha ng di mapigilang operasyon ng illegal vices na ang nasa likod ay mga maimpluwensya at prominenteng residente, mga opisyales ng pamahalaan hanggang sa pinakamaliit na yunit ng barangay.



Maraming nakaluklok na police chief ng Tanauan City ang nabigong magampanan ng maayos ang kanilang mandato dahil sa komplikasyon ng serbisyo, pulitika, pagkagahaman sa kapangyarihan at higit sa lahat ay pagkasilaw sa kinang ng salapi.

“Ang unang dapat na mapaglabanan kung magiging hepe ng Tanauan City ay ang drug money mula sa mga sindikatong noon pa man na nag-ooperate sa siyudad. Sa una hanggang ikalawang linggo ng pag-upo ko sa Tanauan ay may nakipag-usap at nag-alok sa akin ng tig Php 50,000 kada isang linggo para luwagan lamang ang sampung drug pusher na makapag-operate sa buong siyudad kaya tumataginting na Php 500,000 na ang maibubulsa sa bawat linggo na di ka na kailngang umalis pa sa opisina”, ang pagsisiwalat sa SIKRETA ng di pinangalanang police official.

May mga intelhencia kolektor na umiikot din sa mga operator ng illegal gambling tulad ng STL bookies, sakla o baklay, pergalan (peryahan na pulos sugalan) paihi at iba pang kailigalan at ginagamit na panakot ang pangalan ng police chief sa pangingikil at ito ang kailangang maiwasan at mapaglabanan ng sinumang hepe ng kapulisan na mauupo sa Tanauan, ang pagbubunyag pa ng naturang ex-police chief.

Kabilang sa notoryus na tong o intelhencia kolektor sa siyudad ay isang alyas Ocampo na kilala ding STL bookies, sakla operator at drug pusher. Gamit ni Ocampo sa pagtutulak ng shabu ang kanyang mga safe houses na rebisahan STL bookies bets at sakla den sa pagtutulak ng malaking kantidad ng shabu.

Kabilang sa mga barangay ng Bagbag, Altura, Sampiro, Ulango, Pantay na Bata, Poblacion at iba pa sa mga rebisahan ng taya sa STL bookies at saklaan ni Ocampo kasosyo ang isang alyas Badoy. Si Ocampo din ang operator ng STL bookies sa may 13 barangay ng bayan ni Balete Mayor Wilson Maralit. Katiwala nito sa kanyang mga rebisahan sina alyas Deo at Jeff ay kapwa mga municipal employee ngunit suma-sideline na chief rebisador sa STL bookies sa mga barangay ng Poblacion Belete, Malabanan, Sala, Makina, Magapi at Looc.



Ang hindi alam marahil ni Mayor Collantes ay maging ang tanggapan ng City Government ay ginagamit din ni Ocampo sa pangingikil ng weekly intelhencia sa may 35 iba pang STL bookies operator at sakla con drug pusher upang maging pulido at walang bulabog ang operasyon ng mga rebisahan ng STL bookies at sakla sa buong siyudad.

Ayaw ng butihing mayor sa operasyon ng STL bookies kaya nang maupo ito ay agad nitong iniutos na patigilin ang kubransa ng naturang ilegal na pasugal at saklaan sa kanyang hurisdiksyon. Ito naman ang sinamantala ni Ocampo upang magoyo o mauto ang mga kapwa nito ilegalista at makakolekta ng kabuuang Php 1.5M protection money kada isang linggo.

Ang hindi din alam ni LtCol. Siriban ay di pa man nag-iinit ang kanyang puwet sa kanyang pwesto ay nangongolekta na si Ocampo at ang isang alyas Magsino ng lingguhang intelhencia para sa tanggapan ng Tanauan City Police Office.

Kabilang sa mga ipinangongolekta ng payola nina Ocampo at alyas Magsino na nagpapakilalang sugo ng opisina ni Siriban ay ang tanggapan ng PNP Chief, PNP Region 4A at Batangas Provincial Police Office. Ang ilan sa mga naturang ilegalista ay ang mga STL bookies con drug maintainer na sina alyas Kon Burgos ng Boot, alyas JR Biscocho ng Poblacion, alyas Mike ng Brgy. 7, Demafelis ng Altura, Pantay na Matanda, Pantay na Bata at Poblacion, Melchor, Ablao ng Darasa, alyas Ms. Bagsic ng Santor, alyas Gerry Balele; Ms Cristy ng Suplang, Gerry T. ng Trapiche; Lawin ng Pantay na Bata; Lilian at Rodel ng Sambat; Llanto ng Tinurik; Montilla na bukod sa pagiging bookies operator ay kapitalista din ng saklang patay sa lahat na barangay ng naturang siyudad; Dexter, Lito, Berania at iba pa. Ang unsolicited advice ng SIKRETA kay LtCol. Siriban, mag-ingat sa manggagamit! May karugtong …

***

Para sa komento: Cp. No. 09664066144