Advertisers

Advertisers

ANG 4-PT SHOT NG PBA AT PALABRA DE HONOR

0 15

Advertisers

ANG korner na ito ay lubos na pinagpipitagan ang pamunuan ng PBA partikular kay Commissioner Willie Marcial at ang Board of Governors.

Ilang araw bago magsimula ang season ng Asia’s first play -for- pay league na PBA ay tradisyunal na ang idinaraos na press conference at kabilang ang Uppercut na kumokober nito mula pa noong panahon ng namayapa nang si Comm. Jun Bernardino.

Nitong nakaraang presscon ng PBA 49 ay present pa rin ang inyong lingkod.



Tinalakay ng mga bossing ng PBA kung ano maasahan ng PBA fans sa nakahain nang susunod na conference pati mga pakulo.

Isa dito ang bagong inobasyon na 4-point shot.

Inanunsyo nina Comm. ang bagong challenge sa media at fans ng pakontes kung sino ang makakabuslo ng unang 4-point shot.

Dahil sa mismong presscon nag-announce ng guess contest at thumbs naman ang sasagot ng premyo na Arena Plus.

FYI,mahilig ang Uppercut sumali sa kontes tulad noong naging champion ako sa Milo writing, on the spot painting, guess the sale sa horseracing at ang tampok na mascot name and visual art contest na si GILAS ,ang opisyal na mascot noong 2005 SEAGames sa Manila.



Itong sa PBA guess the first 4-point conversion contest, bago ang opening ceremony at game opener ng Meralco vs Magnolia ay inireport ko sa ating Gilas News ang ating hula kung sino ang babasal sa naturang potensyal na game changer shot.

Bingo! Sapul ko ang gumawa ng record na unang makaka-shoot ng 4- pointer. Bancheroooh.. 4-points! Si Chris Banchero ng Meralco nga …MISMO!

Sa isip ko..sure winner ang hula ko pero tiyak na may naka-guess ding ibang entry.

Ipinarating ko kaagad ang masayang panalo sa office of the PBA at mismo kay Kume.

Sabi naman niya tingnan niya muna ang mechanics.

Ang siste, mukhang nag-iba ang ihip sa hula na inanunsiyo ng mga nirerespeto kong mga bossing sa PBA.

Lumabo ang usap at umayaw daw ang PBA press corps sa naturang pakulo na dapat ay noong mismong presscon nila ito tinutulan.

Pero di pa rin nawawalan ng pag-asa ang korner na ito dahil paninindigan nila ang salitang binitawan di naman sa kanto kundi sa pormal na bulwagan ng Shangrila.

Nakausap ko ding personal si G.Rafael Jasper Vicencio tungkol dito dahil sya mismo ang umoo bilang sponsor ng pakontes.

Sabi niya last week lang, handa naman na ibigay ang premyo para sa nanalong media at fans.

Kaya ako nama’y maghihintay pa rin ng kanilang desisyon ng mga kapita-pitagang personahe na napakahalaga sa kanila ang ‘palabra de honor’… SALUDO!

Lowcut: Ang panalo sanang iyon ay mailalaan ko pandagdag sa aking adbokasiyang pagtuturo ng ARTS sa mga bata sa countyside.Wish ko lang!