Advertisers

Advertisers

AYUDA NG MGA SENIOR CITIZEN AT PWD SA LUNGSOD NG MAYNILA, MASYADO NG DELAY

0 10

Advertisers

Nag-iiyakan na ang hanay ng ating mga Senior Citizen at Persons With Disability (PWD) sa lungsod ng Maynila sa sobrang inip sa paghihintay ng kanilang buwanang ayuda na masyado na daw adelantado.

Sinabi ng mga nakakatanda na dati daw noong administrasyon ni dating YorME Isko Moreno ay natatanggap nila ang tatlong buwan nilang allowance sa tamang oras at minsan ay mas maaga pa daw.

Ngayon daw panahon ni Mayora Honey Lacuna ay mahigit apat na buwan na daw ay wala pa ring linaw kung kailan nila makukuha ang kanilang monthly allowance na P500 kada buwan.



Sobrang hirap na daw ng kanilang kalagayan na nasabay pa sa hagupit ng bagyong Karina at Enteng na kung saan inabot sila ng matinding baha.

Itong allowance daw nilang ito ay naka-laan para sa kanilang gamot at kanilang daily maintenance na obligado nilang inumin araw-araw.

Ang kanilang pag-inom ng bitamina ay matagal na rin daw na nahinto dahil nga sa sobrang delay ng kanilang inaasahang ayuda na kung tutuusin ay hindi naman kabigatan sa P500 kada buwan.

Hindi na daw bale ang kanilang pagkain dahil nairaraos nila ito araw-araw sa tulong ng kanilang pamilya at mga kamag-anak.

Ipinapalagay ng marami na mas inu-una daw ng city hall ang kanilang political campaign na sobra ang aga dahil sa 2025 pa naman anila ang National Election para sila ay magpa-pogi at mang-uto ng mga tao para sa sarili nilang interes.



Sa puntong ito ay naki-kiusap sila sa butihing Alkalde Honey Lacuna na irelease na at ilarga na ang pondo para sa mga senior citizen at PWD sa Maynila.

Huwag na daw masyadong paikutin at bimbimin ang pondong ito dahil ito ay laan talaga para sa kanila.

BLUMENTRITT, PUNO NA NAMAN NG MGA VENDOR

Punong-puno na naman daw ng mga vendor ang buong kalye ng Blumentritt sa Sta. Cruz, Manila at mga sidestreets nito.

Para na naman daw itong mga kabuteng bigla na lamang nag-sulputan ang mga ito galing sa kung saan-saan bahagi ng Metro Manila dahil marami daw sa mga ito ay hindi lehitimong residente ng lungsod.

Muli na namang nahirapan ang mga motorista gayundin ang mga pedestrian madaanan ang nasabing kalye dahil sa dami ng mga vendor.

Dati’y pwede kang mag-laro dito ng patintero at tumbang-preso dahil sa luwag ng kalye nguni’t ngayon ay balik na naman sa dati na kung saan wala na namang limitasyon ang mga vendor.

Hindi malaman ng publiko kung kanino mananawagan, kung sa mga pulis ba na nakadetine sa police detachment o’ sa ilang politiko sa city hall at congressman.

Ayon sa mga pulis, wala na daw silang masyadong awthoridad dito sa nasabing lugar dahil sumusunod na lang sila sa utos ng ilang politiko sa city hall at ilang congressman.

Robot at symbolic figure na lang daw ang papel nila dito na para bang front na lang ng sinasabi nilang mga politiko na pansamantalang hindi muna natin pangangalanan.

Kung sino man sa dalawang panig na ito ang nagsasabi ng totoo ay bahala na sila sa buhay nila, wala ng turuan at baka ma-matanda pa o’ dili kaya’y manuno sa punso.