Advertisers

Advertisers

Bgy. Kagawad, nanay tepok sa saksak ng kawatang kapitbahay

0 15

Advertisers

NASAWI ang 55-anyos na barangay kagawad at 84-anyos na ina nito nang saksakin ng lalaking kapitbahay na nanloob sa kanilang tahanan sa Rizal,a Laguna, Lunes ng madaling araw.

Kapwa wala nang buhay nang madiskubre ng kanilang kapatid na lalaki ang mga katawan nina Eduardo Castillo at nanay nito na si Catalina sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Pauli-2 8:30 ng umaga.

Ayon kay PMSG Ronald Balbuena, imbestigador ng Rizal Municipal Police Station, nangyari ang insidente 2:30 ng madaling araw habang natutulog ang mag-ina.



Pinasok ang mga ito ng suspek na si alyas Bating at tangkang pagnakawan subalit’ nagising ang kagawad at nakilala ang magnanakaw kaya nagkaroon ng komosyon sa loob, at nauwi sa pananaksak sa mag-ina.

Naaresto naman ng mga awtoridad ang salarin sa follow-up operation ng araw din iyon.

Nakakulong na ang salarin sa Rizal MPS. (Koi Laura)