Advertisers

Advertisers

FORMER MAYOR NA NASA NARCOLIST NI DUTERTE, DUMATING SA BANSA

0 11

Advertisers

TULUYAN nang nakauwi ngayong araw si former Iloilo Mayor Jed Mabilog matapos ang halos pitong taong pagtatago sa ibang bansa.

Si Ex Mayor Mabilog, lulan ng Cathay Pacific via Hongkong ay sinundo ng mga operatiba ng NBI nang lumapag sa NAIA terminal 3, alas-onse ng umaga. Sa pamamagitan ng CX-901

Ayon sa ulat, ang mga dokumento sa paglalakbay na hawak niya ay nagmula sa New York United States, at na-certify ng Our consul.



Si Mabilog ay napasama umano sa mga Narcolist ni dating Pangulong Duterte noong 2017 at mula noon hanggang sa matapos ang termino ni Duterte.

Nakatakda siyang magbigay ng testimonya sa congressional quad committee hinggil sa mga nalalaman niya sa isyu ng droga sa panahon ng Duterte administration. (JOJO SADIWA)