Advertisers
Ni Rommel Gonzales
BONGGA ang actress/beauty queen na si Catherine Yogi dahil nanalo siya sa dalawang beauty pageants sa loob ng isang taon!
Lahad niya, “Actually, nag-start po ako sa Japan as sa Miss Philippines Expo, last 2019, iyan po yung unang-unang nag-join po ako ng beauty pageant.
“Naka-base po kasi ako sa Japan, and then second po yung sa Miss Philippines Assistance Group, sa Japan din po siya, same year po, 2019.”
Nag-title ba siya?
“Sa Philippine Expo po, first runner-up and that is my first pageant po, and then same year po, 2019, sa Miss Philippines Assistance Group, second runner-up po.”
Nasungkit naman niya ang korona noong 2021.
“And then nung 2021, nag-join po ako as representative po ng Philippines-Japan, sa Thailand po ito, international, Mrs. Tourism World po yung title na nakuha ko po.”
Mga kandidata mula sa iba’t ibang bansa ang nakalaban niya.
“Yes po, galing po sila sa iba’t ibang bansa.”
Pandemic yun di ba?
“Yes po, during pandemic po.”
Lead female star si Catherine sa pelikulang Seven Days na palabas na sa mga sienhan ngayon. Lead actor at siya ring direktor sa nabanggit na pelikula si Mike Magat.
Paano sila nagkakilala ni Mike at paano siya naging artista sa Seven Days?
Kuwento ni Catherine, “Yes po, si direk Mike po dati po nagpupunta na po siya sa Japan, and then meron po siyang friend doon na isa pong vlogger na ipinakilala po ako kay direk Mike.
“Na sinabi nga po na, ‘Siya nanalo siya at baka puwede siyang maging artista mo, direk?’
“And iyon nga po pinakausap po niya ako kay direk and then nag-usap po kami na… since pangarap ko po talaga na maging artista kaya sabi ko po, kahit na po alam kong late na po ako, pero ano e, sabi nga po nila di ba, wala naman pong late kapag gusto ninyo po talaga yung…
“Kaya sobrang nagpapasalamat po talaga ako, unang-una po siyempre kay God, dahil kahit po yun na nga po, late po, pero nandito pa rin po ako.
“Nandito na po ako napapanood niyo na po ako, and siyempre kay direk Mike dahil siya po yung naging instrument.”
Taong 2021 sila nagkakilala ni Mike.
Year 2022 naman nila ginawa ang Seven Days.
“Actually, may mga short film na po kaming nagawa ni direk Mike,” pagpapatuloy ni Catherine, “ang first po is yung Korona.”
Award-winning ang Korona.
“Yes po, sa International Film Festival, Manhattan. “Nagpunta po kami doon, kasama po namin dun si Ms. Gwen Garci. After ng Korona, since nandun po kami sa New York at iyon nga po, nakatanggap kami ng award doon, nag-shoot po kami doon.
“Ang title po niya is… actually Korona Part 2, pero ang naging title po niya is Virus. Ang kasama po namin doon is mga Bollywood po.”
“Mga talents po ng Bollywood, tapos yun din po yung producer na nag-produce po ng Virus.”
Bago ang Seven Days ay may mga naging proyekto na si Catherine na si Mike ang direktor.
“Yes po. Actually may mga nagawa na rin po si direk na ibang short film, tapos naisasama po ako doon. Ito po yung first ever na nagbida po ako na makikita na po talaga sa big screen, ang Seven Days po,” saad pa ni Catherine.
Ang Seven Days ay mula sa producer na si Sherielene Sonza, Channel One Global Entertainment Production, TASK Co. Ltd. at JP Entertainment.
Mahusay ang cinematographer ng pelikula na si Miguel Sonza.