Advertisers

Advertisers

Kyle ibang level ang pagmamahal kay Andrea; Bandang Lily happy na wala na sa anino ni Kean

0 11

Advertisers

Ni Rommel Placente

SA isang interview ni Kyle Echarri, sinabi niya na single pa rin siya hanggang ngayon, na wala pa rin siyang girlfriend.

Mas nagpo-focus daw muna siya sa kanyang mga trabaho, hindi lang bilang artista kundi bilang singer at performer na rin.



SA pagkaka-link ni Kyle Echarri kay Andrea Brillantes, ayon sa binata, good friends lang daw silang dalawa, na wala silang relasyon.

“Masaya naman po kami. Okay naman po kami. We’ve always just been friends. We’ve always been very good friends,” sabi ni Kyle.

Sa tanong kung may chance ba na maging sila sa tunay na buhay or may naudlot nga bang pagtitinginan sa pagitan nila ng aktres, ang sagot niya,“Hindi ko po kasi masabi na hindi po nangyari dati, eh. So you know, I’m not gonna lie pero na-hint na rin ‘yan ni Blythe (palayaw ni Andrea).

“Alam naman ng iba it’s just something na hindi naman kailangan sabihin pero…” ang biting sabi pa ni Kyle.

“Basta mahal naman namin ang isa’t isa. We love each other in different ways. She will always be someone that I care about, someone that’s important to me, and I think vice versa. I think.



“Pero we appreciate each other, and we’re in the shift for the long run. I know we’re going to be together for a long time, and she’s very important to me,” aniya pa.

Ano nga ba ang mga qualities ni Andrea na nagustuhan niya?

“Marami po pero isa po siguro sa ngayon, siguro ‘yung pinakagusto kong trait sa kanya ngayon ‘yung pagka-embrace niya sa independency niya ngayon.

“I’m so happy that she’s finally embracing being alone. She’s going to explore the world alone. She’s also very faithful, and I’m so proud of her now.

“I’m super proud of who she is right now, and I can’t wait to just keep wat­ching her grow,” paglalarawan pa niya kay Andrea.

***

NU’NG umalis si Kean Cipriano bilang lead vocalist sa bandang Calla Lily, iniba na ang pangalan nito. Naging Lily na lang ito. At ang bagong lead vocalist nito, na pumalit kay Kean, ay si Joshua Bulot.

Si Joshua ay hindi lang isang singer, kundi isa ring aktor.

May tatlong original member pa rin sa banda na sina Lem Belaro (drummer/songwriter), Alden Acosta (lead guitarist) at Aaron Ricarfrente (bassist).

Bukod kay Joshua, ang nadagdag sa grupo ay sina Nathan Reyes (rhythm guitarist) at Ezra Decinal (keyboardist).

Ayon kay Lem, ang ibig sabihin ng Lily ay rebirth. Na parang gusto nilang iparating sa publiko na parang mga babies pa sila, na nagsisimula ulit ang kanilang banda para makilala.

Sobrang natuwa naman si Joshua na naging member siya ng Lily. Pero at the same time, ay medyo sad siya, dahil marami siyang bashers mula nga nang palitan niya si Kean bilang lead vocalist.

“Siyempre, pinalitan ko si Kean, so maraming comparison. Isipin mo si Kean, maangas, naka-shades sa araw. Tapos ako naka-crop top. So alam ninyo ‘yun?

“Maraming nag-bash sa akin na hindi raw ko rakista. Pero sa totoo lang. hindi naman talaga ako rakista. And I’m not Kean Cipriano. I’m Joshua Bulot. And this is not Calla Lily. This is Lily.