Advertisers
NASAWI ang mag-asawang negosyante nang pagbabarilin sa harap ng kanilang tindahan sa Bauan Public Market sa Barangay Pob 3, Bauan, Batangas noong Lunes.
Parehong hindi na umabot ng buhay sa Bauan General Hospital ang mag-asawanga Marlon, 52 anyos; at Angelina, nang kapwa magtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.
Ayon sa report ng Bauan Police Station, 4:30 ng umaga magbubukas pa lamang ang mag-asawa ng kanilang tindahan na nasa sa 2nd floor ng palengke nang pagbabarilin ang mga ito.
Ayon sa isang witness, nakarinig na lamang siya ang mga putok pero hindi na niya nakita ang mga bumaril, at nagtago na siya sa loob ng kaniyang tindahan dahil sa takot.
Agad tumakas ang mga salarin matapos ang krimen.
Isa sa mga tinitingnang motibo ng pulisya ang roberry dahil nawawala ang pera ng mag-asawa.
Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya sa krimen. (Koi Laura)