Advertisers
Kung wawariin natin ang mga rebelasyong natitipon sa walang humpay na isinasagawang pagdinig ng CONGRESS QUAD COMMITTEE (CQC) ay nakapangingilabot na ang nagdaang DUTERTE ADMINISTRATION ay napapalautan ng talamak na kurapsiyon.., mula sa kontrobersiya ng PHARMALLY, PHILIPPINE OFFSHORE GAMING OPERATORS (POGO) at maging sa monopolyo ng ILLEGAL DRUG TRADE sa ating bansa.
Nabuyangyang ang PHARMALLY SCANDAL noong 2021 nang igawad ni EX-PRESIDENT RODRIGO DUTERTE ang multibilyong pisong kontrata sa PHARMALLY PHARMACEUTICAL CORPORATION (na ang capital ay nasa halos P700,000 lamang) para mag-supply ng MEDICAL KITS sa ating gobyerno upang tugunan ang COVID-19 PANDEMIC.., na tinadtad ng pangunguwestiyon sa kung paano natugunan ang bilyong pisong gagastusin gayong wala pang isang milyong piso ang kanilang puhunan.., na ang kanilang MEDICAL SUPPLIES ay SUBSTANDARD QUALITY at napakamahal o overpriced pa ang benta nila sa government.
Ang siste pa.., ang dating ECONOMIC ADVISER ni DUTERTE na si MICHAEL YANG ay sangkot din at nadiskubreng ito ang FINANCIER at GUARANTOR ng PHARMALLY bukod pa sa involvement nito sa ILLEGAL DRUG SHIPMENT.., kalauna’y involve din ito sa pamamayagpag ng POGO na ang kaniyang kapatid na si HONGJIANG YANG ay konektado sa BAOFU LAND DEVELOPMENT, INC na si BAMBAN, TARLAC MAYOR ALICE GUO ang INCORPORATOR at SHAREHOLDER.., kung saan ay lumalabas sa mga pagsisiyasat na napakaraming transaction sa BAOFU itong si HONGJIANG YANG.
Sa naging raid sa POGO BAMBAN ay nadiskubre mula sa mga dokumentong nahalughog ang mga illegal na aktibidades tulad ng MONEY LAUNDERING, HUMAN at DRUG TRAFFICKING, IMMIGRATION BRIBERY at INVESTMENT SCAMS.., kaya lalong pinaghinalaan na ang mga involved sa PHARMALLY SCANDAL ay sila rin ang nagmamaniobra ng POGO lalo na sa mga krimen.., na patutsada ng isang LAWMAKER ay “ONE BIG HAPPY PHARMALLY”.
Kaya naman ang EXTRA JUDICIAL KILLINGS (EJK’s) at ILLEGAL DRUG TRADE noong DUTERTE ADMINISTRATION ay lumalabas sa imbestigasyon na ang nalilitanya ni EX-PRES. DUTERTE na “I HATE DRUGS” ay isa lamang palang COVER-UP para mapagtakpan ang ginawang pagmomonopolyo sa ILLEGAL DRUG TRADE ng TROPANG DUTERTE sa ating bansa.., na nagamit pa ang puwersa ng PHILIPPINE NATIONAL POLICE para malikida ang mga kakompitensiyang DRUG SYNDICATES sa asiste ng QUOTA SYSTEM REWARDS.
Kaya naman mga ka-ARYA.., ang papel ngayon ng CQC ay napakahalaga para makalkal at mailantad sa buong sambayanan ang iba’t ibang anomalya’t iskandalo sa ilalim ng DUTERTE ADMINISTRATION.., na hindi rin maikakaila na si SEN. RONALD “BATO” DELA ROSA ang naging tagasunod sa kung anong iutos noon ni EX-PRES. DUTERTE at si SEN. BONG GO naman ang tagapag-pabango sa imahe ng nakaraang administrasyon.., na kung marami pang lulutang sa CQC na magsisiwalat sa krimen ng TROPANG DUTERTE at matitibay ang lahat na mga ebidensiya ay nararapat lamang na ang mga nag-abuso sa kapangyarihan ay kailangang maposasan at iharap sa SILID-KATARUNGAN.., ika nga PAPANAGUTIN ANG MGA NAG-ABUSO SA KAPANGYARIHAN!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.