Advertisers

Advertisers

Pusa binalatan ng buhay, binugbog pa ang ari

0 4

Advertisers

KAAWA-AWA ang sinapit ng crossbreed Siamese Maine Coon sa isang village sa Candelaria, Quezon.

Sa Facebook post ng netizen na si Lesly Sim, sinabi niya na binalatan ng buhay at binugbog ang ari ng kaniyang alaga.

“Hindi to umaalis dto sa labas ng gate ko kaya ang kung sino man nanakit sa kanya, humanda ka.



Pangalawang pusa na ‘to. Yung isa, bumalik dto may taga sa likod,” saad ni Lesly.

“Kamamatay lang po niya kahapon. 1:40 am,” aniya.

Sa palagay ni Lesly, may notorious cat-killer sa kanilang village, ayon narin mismo sa kanilang mga kapit-bahay.

“Kahit behave po si cat sa bakuran or sa street namin, ‘di malayong may manakit. May dalawang witness po ako,” paglalahad niya.

Sa isang hiwalay na post, ibinahagi ni Lesly ang screenshot ng isang conversation kungsaan sinasabi ng isang kausap na namatayan din sila ng pusa. Pag-uwi anila sa bahay ay naabutan nila itong puro taga sa leeg at may hiwa sa tenga.



Kaya paalala ni Lesly sa mga kapuwa niya pet-owner: ingatang mabuti ang kanilang mga alaga.

Humanap ng ligtas na lugar para sa mga ito.

Sa kasalukuyan, may lumapit na raw kay Lesly para ituro ang suspek. Naiulat na rin aniya sa homeowners association ang insidente.