Advertisers

Advertisers

3 arestado sa sanla-tira modus scam sa Muntilupa

0 24

Advertisers

Arestado ang tatlong katao na sangkot sa sanla-tira modus scam na nakatangay ng P10 million sa isinagawang entrapment operation sa Muntilupa City nitong Martes ng hapon.

Kinilala ang mga inaresto na sina alias Alec, 28; Clias Christina, 48; at alias Daniel, 36-anyos.

Sa report, 3:00 ng hapon ng isinagawang ng elemento ng Southern Police Distirct Detective and Special Operation Unit (SPD-DSOU) sa isang restaurant sa Sucat, Muntilupa City.



Isinagawa ang operasyon nang magharap ng reklamo ang ilang mga na biktima ng mga suspek nang mabigo na umano magbayad ang mga ito matapos na maibigay ang unang bayad at interest at hindi na umano nagpakita.

Natuklsan na wala umano talaga ang nasabing property at ilang beses din ito naisanla.

Nabatid na ang modus ng mga suspek ang magsanla ng mga property o lupain na matatapuan sa Sucat, Muntilupa City sa halagang P500,000 at wala naman ang nasabing property.

Upang makumbinsi ang biktima? pinangakuan ang mga biktima na malaki ang kanilang kikitain at pag-isyu ng kontrata upang maging legal ang kanilang transakyon.

Narekober ng mga operatiba sa mga suspek ang mark money na ginamit sa entrapment operation, original set ng contract na nagbebenta ng property, 2 set ng acknowledgment receipt ng halagang P500,000, identification card, mobile phone at gray Mitsubishi Expander na nakarehistro kay alias Christina. Additionally habang nakuhanan naman ng isang Glock Pistol .9mm kay alias Daniel.



Natuklasan rin ng mga otoridad na si alias Alec, convicted sa kasong paglabag sa Batas Pambasa No 22 (bouncing Check) ng Valenzuela Municipal Trial Court Branch 101 at inaatasan na mabayad ng P400,000 at P1,000,000 bilang civil liability.

Nasa kustodiya SPD-DSOU ang mga suspek na nakatakdang sampahan ng large scale o syndicate estafa sa Muntilupa City prosecutor office . (Mark Obleada)