Advertisers
Nagpahayag ng suporta ang Air Carriers Association of the Philippines (ACAP) sa New NAIA Infrastructure Corp. (NNIC), na nakatakdang mamahala sa maintenance at operations ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) simula Setyembre 14.
Ang ACAP, na binubuo ng mga air carrier ng Pilipinas tulad ng AirAsia Philippines, CebGo, Cebu Pacific, PAL Express at Philippine Airlines, ay umaasang mapapahusay ang imprastraktura at positibong epekto sa karanasan ng kanilang mga pasahero.
Base sa pagtaya ng grupo, maaaring asahan ng mga pasahero ang mga pagsasaayos sa mga gastusin sa paglalakbay kapag ipinatupad ang mga bagong bayarin sa paliparan.
Ang ACAP ay patuloy umanong makikipagtulungan sa NNIC at sa gobyerno upang tumulong na maiwasan ang posibleng pagtaas sa gastos sa paglalakbay at matiyak ang proteksyon sa interes ng mga airlines at mga pasahero.
Sinabi ng ACAP na Inaasahan din ng mga airlines ang positibong resulta para sa lahat ng mga stakeholder sa paglilipat sa privatized airport management at pagpapabuti sa karanasan ng mga manlalakbay. (JERRY S. TAN)