Advertisers
Magpupulong ang Philippine National Police at Department of Justice para plantsahin ang scheduled arraignment kina KOJC leader Pastor Apollo Quiboloy at kanyang kapwa akusado sa Regional Trial Courts sa Pasig at Quezon City bukas.
Ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo, may scheduled arraignment o pagbasa ng sakdal kina Quiboloy sa 2 korte na nagkataong sabay bagamat sa pamamagitan lang ng videoconferencing ang mangyayari sa RTC Pasig.
Bagamat ayon kay Col. Fajardo nang ibalik nila ang warrant sa korte nitong Lunes, sinabi ng clerk na hindi na ire-require pa ang pisikal na presensiya ng mga akusado kasama na si Pastor Quiboloy kung saan isa nga sa kanyang mga kaso sa Pasig RTC ay non-bailable o walang karampatang piyansa.
Samantala, kasalukuyang nag-aadjust naman ang kontrobersiyal na religious leader mahigit isang araw matapos na madetine sa PNP custodial facility.
Para sa inyong lingkod, walang dahilan para magbunyi ang administrasyong Marcos Jr. sa pagsukong ito ni Pastor Quiboloy dahil alam naman ng taongbayan ang punu’ t dulo ng mga pangyayaring ito.
Sa halip na magdiwang, maging doble- alerto ang gobyernong ito dahil di lahat ng kanilang gustuhing makapangyari sa pag- abuso sa kapangyarihan ay maisasakatuparan.
Aware ang hanay ng militar at iba pang sektor ng lipunan sa lantarang pang- aabusong ito sa kapangyarihan kung kaya’t napaka- “volatile” ng sitwasyon ayon naman sa mga retired army generals na vocal sa kanilang pagsasatinig sa mga kaganapang ito sa bansa.
“Bilog ang mundo” ika nga at kung ano man ang nais ipakahulugan nito ng mga retired generals ay hayaan na lamang nating panahon ang magsabi.
May kasunod…
Abangan
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com