Advertisers

Advertisers

Bong Go kay Guo: Sabihin mo na ang totoo!

0 7

Advertisers

Iginiit ni Senator Christopher “Bong” Go kay dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa pampublikong pagdinig ng Senate committee on women, children, family relations, and gender equality na magsalita na at sabihin lamang ang mga katotohanan.

Ginanap ang pagdinig upang imbestigahan ang tunay na pagkatao o citizenship ni Guo,sa pagkakasangkot sa mga iligal na aktibidad at sa pagtatangkang takasan ang batas sa bansa.

“We are here today to find out the truth,” sabi ni Go na iginigiit kay Guo na makipagtulungan nang lubos sa Senado.



“Tandaan natin na ang katotohanan lang ang kakampi at poprotekta sayo, Ms. Alice Guo. Huwag mong sayangin ‘yung oportunidad na ibinibigay sayo namin dito sa Senado. Just tell the truth. ‘Yung totoo lamang po.”

Nagpahayag si Go ng pagkabahala sa pag-iwas ni Guo dahil na rin sa pagkalat ng iba’t ibang tsismis at mga teorya ng pagsasabwatan.

“Dahil sa pagiging evasive mo, ‘yung mga nakaraan hanggang ngayon, kung anu-ano na pong mga insinuations, haka-haka, tsismis, at conspiracy theories ang kumakalat. Marami na pong nadadamay na mga inosente,” ani Go.

“Ayoko na sana bigyan ng panahon ang mga tsismis pero since nandito ka na, at cited in contempt ka na, ayaw mo rin naman sagutin mga tanong ng mga kasamahan ko rito — mabuti nang klaruhin mo na ang iba’t ibang mga alegasyon, tutal di naman ito connected sa mga kaso mo,” dagdag ng senador.

Nilinaw ni Go na ang kanyang layunin ay hanapin ang katotohanan lalo na sa gitna ng maraming legal na kaso at isyu na konektado kay Guo.



Hinggil sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO), muling iginiit ni Go ang kanyang matinding pagtutol dito lalo’t nakompromiso na ang kapayapaan at kaayusan sa bansa.

“Ako po mismo noon pa, laban po ako sa POGO. ‘Pag apektado na po ang peace and order, for the record, ayaw ko talaga ng POGO. Lalung-lalo na po kapag naghahasik na po sila ng lagim, d’yan po mismo sa mga condominium, dito sa may malapit lang sa atin. Nagkakalat sa mga condo, naghahasik ng lagim,” idinii ni Go.

Si Guo, na nahaharap sa maraming legal battles kabilang ang mga kasong graft at mga tanong tungkol sa kanyang tunay na pagkatao, ay inaakusahan bilang isang Chinese spy. Iniimbestigahan din siya sa kanya umanong papel sa mga gawaing kriminal.

Sa kabila ng mga akusasyong ito, ang mga sagot ni Guo sa pagsisiyasat ng Senado ay nanatiling umiiwas. Ito ang nag-udyok sa panawagan sa kanya ng mga mambabatas ganap nang ibunyag ang katotohanan.

“Miss Alice, kung may intensyon ka pang magsabi ng totoo dito, please lang po, sabihin mo na ‘yan lahat. ‘Yung totoo lang po,” iginiit ng senador sa dating alkalde.

“Kung rerespetuhin ka pa dito, huwag kang maging evasive. Sabihin mo lang yung totoo, ‘wag kang tumakas, ‘wag kang magsinungaling. Just tell the truth, yung totoo lamang po,” pagtatapos niya.