Advertisers
IPINANGANGALANDAKAN ng mga iligal gambling operators sa Oriental Mindoro na umaabot diumano sa 40% ng kita nila sa iligal na sugal ay napupunta sa liderato ng Oriental Mindoro Police Provincial Office at PRO MIMAROPA bilang ‘goodwill’ at ‘payola’ kaya lantaran ang presensya ng lahat ng klase ng sugal sa naturang probinsiya tulad ng drop ball, baraha, pingpong at color games sa halos lahat ng bayan ay meron.
Mistula nang mini-casino na nakalatag ang sandamakmak na sugal na front ay peryahan na matatagpuan sa bayan ng Puerto Galera, San Teodoro, Baco, Naujan, Victoria, Pinamalayan, Roxas, Bongabong, Socorro, Gloria, Bansud, Mansalay, Bulalacao at Victoria bukod tangi ang lungsod ng Calapan na hindi pumapayag na magkaroon ng ganong uri ng sugal.
Dito dapat sampolan ni PNP Chief, Rommel Francisco Marbil ang Provincial Director ng Oriental Mindoro na si Colonel Samuel Delorino at PRO4B Regional Director GenERAL Roger Quesada kung talagang nagkaroon ng pagpapabaya at pangungunsinte sa mga sugalang ito na ilang taon ng talamak sa naturang probinsya.
Tinatawanan lang kasi ang “NO TAKE at ONE STRIKE” POLICY ng pambansang kapulisan sa AOR nina Gen.Quesada at Col.Delorino.
Mistulang basura lamang ang mahigpit na babala naturang ni PNP Chief Marbil laban sa kanyang mga opisyales on the ground.
Sa nasabing polisiya kung paiiralin lang ang kautusan siguradong sibak agad sa puwesto ang sino mang chief of police (COP) ng isang bayan o siyudad maging ang provincial at regional police command kapag may nahuling illegal gambling operations sa kanilang AOR.
Pero sa dami nga nang nagkalat na mga pasugalan sa tahimik na probinsya na nagiging untouchable, lumutang na totoo na kasosyong laway talaga sa gambling operations ang provincial police command ni Col. Delorino?
At base na rin sa natanggap nating classified information, umaabot nga ng apatnapong porsiyento ng kabuuang kita ng mga gambling operators sa nasabing lalawigan ay nagpupunta sa tanggapan ni Col. Delorino at Gen. Quesada bilang payola o “intelihensiya”. Take Note; bawat perya na maglagay ng negosyong sugal sa Oriental Mindoro kailangan mong magbigay ng “goodwill” na halagang P200K hanggang P500K sa pamamagitan nina Sgt. Liyag at Sgt. Hernandez?
Suma total, nagsisilbing LAWAY lamang ang talagang puhunan sa matataas na opisyal ng kapulisan sa mga gambling operators sa lalawigan ni Governor Humerlito Dolor.
Kumbaga pakuya-kuyakoy na lamang si Col Delorino at Gen. Quesada sa kanilang opisina.
Isa sa mga dahilan kaya talamak ang iligal na sugal sa nasabing probinsya sakadahilanan na walang inilabas na polisiya ay ‘official stand’ laban sa illegal gambling sina Col. Delorino at Gen. Quesada kung kayat tuloy ang ikot sa mga pwesto pijong sugal itong sina Sgt. Liyag at Sgt. Hernandez gamit ang opisina ng mga nabanggit na PNP officials.
Sinong gagong tao ang maniniwalang di patong sa opisyo ng iligal na sugal ang dalawang matataas na opisyal ng kapulisan kung ganireng mismong mga residente na ng Oriental Mindoro ang kumokondena sa mga naglipanang mga pasugalan sa kanilang probinsiya?
Dapat sigurong imbestigahan ni PNP Chief Marbil at DILG Sec. Benhur Abalos, ang direktang paglapastangan at pambabastos sa Anti- Illegal Gambling Act o PD 1602 as amended by RA 9287 dahil mismong ang mga tagapagpatupad ng batas ang bumabalewala dito. Hindi lamang drop ball, pingpong, baraha at color games ang talamak sa naturang probinsya kundi maging ang jueteng operation ng mga magkakasosyong pulitiko sa probinsya.
May kasunod pa ito!
***
Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0939-7177977 at 0936-8625001 o di kaya mag-email banderapilipino@yahoo.com/balyador69@gmail.com.