Advertisers
Ni Rommel Placente
SA X social media account, may isang netizen na nag-share ng photo ni Kim Chiu na nagbababad sa bath tub habang sumasailalim sa cold water immersion o ice bath.
Isa itong klase ng training regimen na therapeutic para sa mga atleta at health buffs.
Siyempre, ang KimPau fans, kinonek sa naging routine ni Paulo Avelino na cold plunge o cold therapy na pareho rin ang proseso sa ‘ice bath’ kamakailan.
Matatandaang sa IG post noon ng aktor ay sinabi nitong bahagi na ng daily routine niya ang paglublob sa yelo.
Dahil nga rito, nagsuspetsa agad ang KimPau fans na magkasama ang dalawa nang nag-undergo sila sa cold water immersion kaya naman inurot nila si Paulo.
Sagot naman ng aktor: “Grabe naman kayo. Nagkataon lang.”
Sa kanyang naging sagot, hindi naman siya tinantanan ng pangangantiyaw ng KimPau fans.
Ayaw ng mga itong maniwalang hindi sila nag-usap o magkasama ni Kim sa nasabing session.
Iniugnay pa ito sa naging pagtanggi ni Kim sa isang panayam kung saan naurirat ang Chinita actress kung sabay ba silang nag-duathlon ni Pau noong nasa ibang bansa sila pagkatapos na kumalat ang mga photo nila.
Ang sagot kasi ni Kim ay nagkataon lang daw iyon.
Ito naman ang ilan sa mga komento ng mga netizen.
“We weren’t born yesterday. Some of the KimPaus pabalik na kayo papunta palang sa exciting part! Haha”
“Pagpasensyahan niyo nalang ang pagkakataon. ”
“Pag ba laging nagkataon lang, ibig sabihin ba nun destiny???”
“More more “nagkataon” … Please! ??”
“Nagkataon lng na nagmahalan, ayieeee”
“Nagkataon lang din, na pareho ang sagot hahaha”
“Pati sasabihin copy paste pa, ok pa sa alright Ang “nagkataon” na linyahan na yan ituloy nyo lang Dyan kaming mga Kimpau fans kinilig charrsss”
***
WALANG pakialam si Ai Ai delas Alas kung na-bash siya ng mga tagasuporta ni Carlos Yulo, dahil sa Facebook post niyang bibili siya kapag nag-live selling uli ang nanay nito na si Angelica Yulo.
Talagang bibili raw siya at hindi lang siya basta bibili, gusto niyang maka-collab ito sa live selling.
“Bibili talaga ako sa kanya. Team nanay kasi ako and whatever it is, kung anuman kaguluhan sa pamilya nila, ang nanay ay nanay. Pera lang ‘yun, pero mahirap manganak at hindi mababayaran ang pagluwal sayo,” sabi ni Ai-Ai.
Kasunod nito, masayang ibinalita ni Ai-Ai na nahanap na ng kaibigan niyang pari na si Fr. Allan si Angelica. Isa sa mga araw na ito, magkikita sila dahil pupuntahan nila ang nanay ni Caloy.
“Gusto kong makipag-collaboration ng live selling sa kanya. Sasabihin kong ilabas niya lahat ang mga t-shirt na ibebenta niya, pati mga pampaputi. Nagsabi na nga ang mga faney ko na naging barkada ko na sa kanila ang sabon na orange, pampaputi ‘yun.”
“Tatalakan ko ang mga hindi bibili sa live selling namin. Masaya ito at abangan nila. I-game natin ang collaboration ng live selling namin ni madir,” dagdag ni Ai-Ai.
Naisip din ni Ai-Ai na maba-bash at magagalit na naman sa kanya ang supporters ni Caloy. “Pag-uusapan na naman ako nito dahil kay madir. Ipaglalaban ko pa rin na team nanay ako kahit away-awayin pa ako,” pagtatapos ni Ai-Ai.