Advertisers
Ni Jovi Lloza
EXCITED si Judy Ann Santos sa nalalapit nitong first starrer sa isang horror film.
Mas lalong na-excite si Juday nang malaman na makakasama nito, ang Star For All Seasons na si Vilma Santos.
Dahil first time lang sana makakasama ai Vilma pero sa di maipaliwanag na kadahilanan ay di na kasali ang mudra ni Luis Manzano sa horror film ni Chito Roño na Espantaho.
Isa pa naman sa dream ni Juday na makatrabaho si Ate Vi.
Sa kabila ng pagkawala ni Ate Vi sa horror film, may kapalitan na agad ito na isa ring mahusay na aktres at award winning na si Lorna Tolentino
Wala naman problema for sure kay LT kung second choice lang siya, ang mahalaga ay busy pa rin ito at may project.
Excited na rin si Juday na maka-work si LT para sa isang horror film.
***
Ai Ai may plano na aabangan ang ina ni Caloy na si Angelica
BUO na nga ang desisyon ni Ai Ai Delas Alas na suportahan ang ina ng 2-time gold medalist at Olympic champ na si Carlos Yulo na si Angelica Yulo.
Nakarating na sa kaalaman ng komedyana na nagla-live selling na lang ang ina ni Carlos na si Angelica.
May sigalot kasi sa pagitan ni Caloy at kanyang ina.
Sa kabila na multi billionaire na si Caloy ay hinayaan nito ang ina na magtinda online.
Kaya naman nangako at nagpahayag si Ai ng suporta sa ina ni Caloy.
Sey pa ni Ai Ai na bibili siya sa kung anuman ang tinitinda ni Angelica na nanay ni Caloy.
Aabangan nga raw ito ng komedyana sa Facebook habang nagla- live selling para makasuporta.