Advertisers
Laro sa Biyernes
(Filoil EcoOil Arena)
12 p.m. – AU
vs LPU
2:30 p.m. – Letran vs Mapua
COLLEGE of Saint Benilde nanateling perpek sa NCAA Season 100 Seniors Basketball Tournament, dinurog ang University of perpetual Help System DALTA , 78-51, Miyerkules sa Filoil Ecooil Centre sa San Juan City.
Pinamunuan ni Justine Sanchez at Tony Ynot ang opensa ng Blazers sa iniskor na 13 at 12 points, ayon sa pagkakasunod, humatak rin ang dalawa ng tig-8 rebounds.
Isa pang dating Red Lion, Gab Cometa, ang umiskor ng 10 points, habang backcourt-mate Jhomel Ancheta bumakas ng nine points.
Ian Torres at Anton Eusebio nag-ambag ng tig-8 puntos,habang si Edson Serrano bumakas ng seven points.
“That’s the kind of culture we are trying to build, which is whoever we are playing, we will respect them by playing hard. Hindi puwedeng pag San Beda lang kalaban mo, dun ka lang gaganahan,” Wika ni Tiu.
Dominado ng Blazers ang boung laro,abante ng 50-29 sa halftime at pinalubo pa ang lamang sa 69-40 sa ikatlong yugto.
Kontrolado ng Benilde ang frontline ng Altas, outrebounding sila 61-45.Bukod pa rito ginulat nila ang Perpetual sa mababang 26.3 – percent shooting mula sa field – tampok ang 4-of-16 performance mula sa rookie Alta Mark Gojo Cruz.
Susunod na makalaban ng Benilde ay ang kapwa strong Group-backed school Letran sa Linggo alas 2:30 ng hapon.
Bukod kay Gojo Cruz, Shawn Orgo ang isa pang Perpetual player ang umiskor ng double figures,nagtapos ng 10 points.
Ang Altas,na nalaglag sa 2-2, pakay na putulin ang kanilang skid sa Sabado kapag nakaharap ang EAC Generals.