Advertisers

Advertisers

JUNEMAR FAJARDO, MAY HATAK SA AWARD-GIVING BODY

0 5

Advertisers

UMAANI ng samut-saring pahayag at opinyon and 8-time Most Valuable Player (MVP) record na naisubi ni SAN MIGUEL BEERMAN (SMB) starcager JUNEMAR ‘KRAKEN’ FAJARDO.

Sa isang group communication ng PBA MOTOCLUB, nagtanong si RICO MAIERHOFER. Well, ang tinakbo ng isyu. “ Kung nakasabayan ni JMF ang BIG’s sa 2000 era, makakakuha kaya siya ng 8 MVP’s? Prime.players ng 2000 era sina ASI TAULAVA, ALI PEEK, DANNY SEIGLE, at ERIC MENK, in particular.

Ang latag ni GINEBRA legendary cager JAYJAY HELTERBRAND, ‘ I don’t think so, baka mahihirapan siya, maybe 2 or 3.’ Ani RYAN ARANA, ‘ Malabo, di papayag yun mga beterano. kasi iba yun mindset dati’, ALI PEEK: “ Malakas talaga si JMF at lalong palakas dahil sa tiyaga niya, pero hindi yumayabang”.



Umani ng kontrobersiya ang isyu at kabilang ang komento ng dating top sa category for decades na si 4-time MVP RAMON ‘ EL Presidente’ FERNANDEZ, naging mentor sa Cebu ni JMF aka ‘ABAI’. “ Mahihirapan si JUNEMAR makakuha ng MVP kung may katapat at kompetisyon sa liga’.

Kung iaanalyze, sa sinabi ni JUNEMAR mismo na “ Sa basketball naman, di naman yan palakasan’, iisipin ba ng sports followers na sa mga kasabayan niya, balewala ang lakas nila to think na may ilan din namang Big men na masasabi, like CHRISTIAN STANDHARDINGER, BEAU BELGA among others?

Sa ganang amin, maaring practical answers lang naman ang inilalatag ng ibang players na nagkomento. Hindi ibig sabihin na may hindi pabor o hindi naniniwala Kay JMF na kaya talagang makasubi ng 8 MVP titles at his prime.

Yun naman kasing kay 4-time MVP. RAMON FERNANDEZ, di talaga basta napantayan for decades, pero bakit ang bilis lumampas ni JMF.? Noong 6-time MVP na siya, tawag-pansin na rin, pero dumeretso pa sa 8 MVP plums. Iba-iba syempre ang reaction ng madlang sports followers.

Kung kami naman ang mag-aanalyze, iisipin namin muna ang ibang MVP titlists like JAMES ‘ Big Games’ YAP, at ARWIND ‘Spiderman’ SANTOS. Di po ba, may ilang controversies na kasabay, yun ‘angas’ ‘ni ARWIND sa court sa mga balyador, yun celebrity related controversies kay JAMES, tingin namin may relevance.



Iba-ibang merged groups din ang voters ng award-giving body sa MVP plum. Kung titingnan, may hatak ang nakikitang kindness ni ABAI, humble and silent type sabi nga ng ibang observers. Di ibig sabihin na hindi ganun kagagaling ang mga kasabayan niya..maraming mahusay talaga, may kanya-kanya silang tatak, pero, honestly speaking, may relevance ang image sa botohan. So there!

SEPTEMBER CHEERS
HAPPY BIRTHDAY to Mayor BENJAMIN S. ABALOS of Mandaluyong LGU. More power and blessings po to the FATHER OF MODERN MANDALUYONG! HAPPY READING!