Advertisers
Nakatakdang kuwestiyunin sa Korte Suprema ng grupong Bayan Muna ang ginawang pag-sertipika ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa 2025 budget bill.
Sinabi ni Bayan Muna chairpeson Neri Colmenares, na ang nasabing executive power ng Pangulo ay inilalaan lamang tuwing may kalamidad at anumang emergency.
Dagdag pa nito na mayroon na silang parehas na kasong naihain sa SC at maghahain pa sila uli dahil inaprubahan ng House of Representative ang budget sa pamamagitan ng certification ni Marcos.
Naniniwala sila na ang pagsertipika ng budget bilang urgent ay para maiwasan na ito ay kuwestiyunin o may sadyang itinatago.
Duda ang Bayan Muna na mayroong mga insertions o isiningit sa mga budget kaya minadali ito na ipasa.
Isa rin sa kinukuwestiyon ay ang tila ” fast break” itong naipasa ng Kamara habang sila ay naka-recess at hindi pa naipasa sa Senado.
Sa buwan pa ng Nobyembre ito maipapasa Congress pagkatapos nilang magbreak.
Lubhang tarantaduhan na talaga at garapalan ang nakakapangyari dyan sa balwarte ni Tambaloslos Martin Romualdez!
May kasunod…
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com