Advertisers
‘YAN ang paniniwala ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos sa isyu ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Para kay Abalos, kailangang maipagpatuloy ng NTF-ELCAC ang mandato nito sa ilalim ng Administrasyong Marcos upang matapos na ang matagal na insureksiyon ng mga rebelde.
Kailangan pa nga raw na mas palakasin ang task force upang maipakita sa mga dating mga rebeldeng nagsimula ng sumuko, na sila ay talagang may puwang sa pamahalaan upang maalagaan para lamang makamtan ang kapayapaang inaasam.
“Ako nagpapatunay, napakaepektibo ng programang ito. Napakaganda po, ang talagang nangangailangan ng tulong napupunta sa kanila direktamenta ang pera, P50,000 ang livelihood, immediate assistance nandoon,” ang mga katagang binitawan ni Abalos sa nakaraang pagdinig ng Senado sa budget ng kanyang departamento.
Dagdag pa ng mama, kaagapay ng NTF-ELCAC ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno “kasi gusto na nila (rebels) magbalik-loob. So, para sa akin hindi lang dapat ipagpatuloy ito, lakasan at tutukan pa lalo para ipakita sa kanila di sila magsisisi na naniwala sila na talagang magbagong-buhay sila.”
Parang ipinagtanggol nga ni Abalos ang task force ng kanyang sagutin ang puna ni was Senator Robinhood Padilla na may mga ulat nga raw na isinusulong ng Makabayan bloc sa House of Representatives ang pagbubuwag sa NTF-ELCAC.
Nikinaw ng DILG chief, na kahit di niya alam ang ganung balakin ng Makabayan bloc, ay kanya pa rin imumungkahi na kailangan manatili ang NTF-ELCAC upang mawakasan na ang rebelyon sa bansa.
Agad din nagpaliwanag si Philippine National Police (PNP)chief Gen. Rommel Marbil kay Padilla ng kahalagahan ng NTF-ELCAC, partikular na ang papel nitong ipakilala ang pagsisikap ng pamahalaan mapabuti ang lahat, kasama na ang mga dating rebelde.
“With that (NTF-ELCAC), marami kaming natulungan po dito. And of course it’s also information dissemination, education ng tao natin. Karamihan ng nahuli nating rebelde,” ang sabi ni Marbil.
Binabati ko ang dalawang mamang ito, na kasamang naglilingkod ng NTF-ELCAC upang magkaroon na ang bansa ng tunay na kapayapaan. Saludo ako sa inyo mga sir!