Advertisers
NAKAKABAGABAG ang nangyayari sa malayang pamamahayag. Ang tinutukoy po ng inyong abang lingkod ay ang mga peryodista ng na nasa pulahang tsina. Sa dating kolonya ng Britanya na Hong Kong, sina Patrick Lam at Chung Pui Kwen ay nahatulan ng sedisyon, balitang nakaka alarma sa mga katulad kong mamamahayag na nagsisikap ihatid ang katotohanan gamit ang taglay nilang kakayahan.
Hindi na bago sa pananaw ng lahat ang paghihigpit ng pulahang tsina sa mga mamamahayag na tulad ni Patrick Lam at Chung Pui Kwen na kitilin ang malayang pamamahayag sa sinasakupan ng politburo, bagay na hindi na bago sa inyong abang lingkod. Ang malayang pamamahayag ang pananggalang natin laban sa pagkalat ng maling impormasyon at huwad na balita; at dito batid natin, sa ang pulahang tsina ay mga dalubhasa sa ganito.
Ang pulahang tsina ay hindi dapat pagkatiwalaan. Sumusunod ang inyong abang lingkod sa panawagan sa pulahang tsina, ng tagapagsalita ng tanggapan ng UNHR na si Liz Trossel; gumamit ng patas na pagsusuri at galangin ang malayang pamamahayag. MABUHAY ANG MALAYANG PAMAMAHAYAG! TIGILAN ANG PAGHIHIGPIT SA MGA MAMAMAHAYAG!
***
KUNG sabihin ko hindi mahilig ang inyong abang lingkod sa ginisa, nagsisinungaling po ako. Wala nang sasarap sa ginisa mapa baboy man o manok o baka na ginisa sa sariling mantika. Pasensya na sa mga binanggit kong hayop, pero paborito ko talaga ang baboy o pig. Sa pagkakataong ito ang ginisa ay dating pigoy Edilberto Leonardo. Dahil sa kasinungalingan na-cite in contempt si Leonardo at inutos na iditene sa “pig pen ng Kamara, hanggang sa pagtapos ny imbestigasyon nito.
Sa ngayon si Leonardo ang malaking bulugan sa binansagan kong “pig pen.” Namuro din ang ilang aktibong kasapi ng PNP, na, salamat sa makasaysayang Quad Committee sa Kamara naisiwalat ang isa pang patayan, na, naging palaisipan para sa madla; at ito ay ang pagpaslang sa isang Wesley Barayuga, corporate secretary at board member ng PCSO noong 2020. Bukod kay Edilberto Leonardo, na-cite in contempt din si Ssgt Ernie Ubales, pinsang buo ni Royita Garma dating pinuno ng PCSO, at nakatalaga sa naturang tanggapan.
Ang asawa ni Ubalde ay kasama ni Garma sa PCSO at namamahala sa STL. Dahil sa kanyang pagsisinungaling, ipinakulong si Ubalde sa Quezon City Jail. Masasabi ng inyong abang lingkod, si Ubalde ngayon ay isang Bulaklak ng City Jail na harinawa, hindi maging sitsarong bulaklak ang kanyang menudensya. Pero ibalik natin sa riles ang usapan; maliwanag ang nepotismong umiral noon, at, dahil sa Quad Committee hearing, unti-unting lumiliwanag ang laki at lawak ng sapot na umiral noong panahon ng dating pangulong serial killer Rodrigo Duterte.
Matindi ang paratang ng lumitaw na bagong “resource persons” sa pagkatao ni PNP Police Lt. Col. Santi Mendoza kasama si Nelson Mariano na inatasan ni Mendoza na mag recruit ng hitman sa pangalang alyas “Loloy,” sa utos ni Garma at Leonardo, ang pagpatay kay Brig Gen. Barayuga, board member at corporate secretary ng PCSO. Sabihin natin mali ang pumatay, mas malamang pumatay ng inosente. Patunay sa mga luha ni Mendoza. Sa opinyon ko nagsasabi ng katotohanan si Mendoza at nararapat lamang ang proteksyon ng Kamara sa kanya.
Humingi ng kapatawaran si Mendoza at Mariano sa mga naiwan ni Barayuga. Ngayon, nasa pangalaga na sila ng Kamara, tayo, bilang mga nakakasaksi sa mga pangyayari, ay manatiling maagap at ilagay natin ang lahat ng ito sa alaala, upang hindi na muli mangyari ang maitim na yugtong ito sa atin. Kasihan nawa tayong lahat ni Poong Kabunian. MABUHAY ANG KATOTOHANAN!
***
Jok Onli:
Daghang salamat sa daing kasama sa hanapbuhay at negosyante na itatago lamang natin sa pangalang Alvin Bernales:
BOI: Love, inaya ako ng tropa uminom… Pwede ba?…
GORL: Uki…
BOI: Talaga Love?… Salamat ha…
GORL: UKINANAM!!!… (Toink…)
(Pasensya na po sa uncensored Jok Only… Patawad na po… )
***
mackoyv@gmail.com