Advertisers

Advertisers

DEPLOYMENT NG 1,389 NCRPO PERSONNEL, NAKAHANDA SA SEGURIDAD PARA SA PAGHAHAIN NG KANDIDATURA NGAYONG OKTUBRE

0 8

Advertisers

ANG National Capital Region Police Office (NCRPO) ay nagpakalat ng 1,389 police personnel bilang paghahanda sa seguridad kaugnay sa nalalapit na paghahain ng kandidatura mula bukas, Oktubre 1 hanggang Oktubre 8, 2024

Binigyang-diin ni NCRPO Regional Director PMGen Jose Melencio C Nartatez Jr, na makikipagtulungan sila sa Commission on Elections (COMELEC), local government units, at iba pang pangunahing stakeholder upang matiyak ang maayos na proseso sa rehiyon, bilang pag-asam sa 2025 National and Local Elections.

Aniya, ang kahalagahan ng pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa panahon ng paghahain ng Certificate of Candidacy (COC), na nagsasabing, “We must uphold a safe environment that fosters the democratic process. We are committed to ensure that the filing of candidacy in Metro Manila proceeds maayos at walang abala.”



Upang palakasin ang seguridad, 1,389 na tauhan ng NCRPO ang ipapakalat upang mapahusay ang police visibility sa lahat ng itinalagang lokasyon ng paghahain, kabilang ang mga tanggapan ng COMELEC at iba pang pangunahing lugar.

Inutusan ni Nartatez ang mga District Director na tiyaking may sapat na tauhan na nakatalaga sa kanilang area of responsibilities upang pamahalaan ang crowd control, at daloy ng trapiko at magbigay ng tulong sa pamamagitan ng mga help desk para sa mga kandidato at publiko.

Tinitiyak ng Team NCRPO sa publiko ang kanilang kahandaan na panatilihin ang kapayapaan at seguridad sa buong panahong ito. Ang mga pagpupulong ng koordinasyon sa iba’t ibang ahensya at stakeholder ay nagpapatuloy upang matugunan ang mga posibleng hamon at matiyak ang mabilis na pagtugon sa mga umuusbong na sitwasyon. (JOJO SADIWA)