Advertisers

Advertisers

Rider pisak sa 10 wheeler truck sa Maynila.

0 14

Advertisers

Nasawi ang isang rider nang magulungan ng 10 wheeler truck sa bahagi ng Mel.Lopez Blvd, sa Tondo, Maynila.

Sa ulat, umiwas ang rider na si Leland Bernal, 36-anyos ng Quezon City sa isang tricycle na nag-counter flow kaya sumemplang at nagulongan ng truck.



Posible umanong biglang napa-preno ang biktima dahil sa tricycle bukod pa sa madulas umano ang kalsada dahil sa mga nalaglag na buhangin mula sa truck na dumadaan sa lugar .

Nabali ang paa ng biktima wasak-wasak na ang helmet nito.

Ayon sa driver ng truck, na si Jonald Semenio ng Valenzuela City, nabigla siya sa pangyayari.

Kuwento pa ni Semenio, naka U-turn na sila sa kahabaan ng northbound lane ng Mel Lopez Blvd. mula sa Pier at papunta sana ng Valenzuela para ibaba ang karga nilang kahoy.

Pagsapit sa kanto ng Katuparan Street dumausdos umano ang biktima at nawalan ng kontrol bago tuluyang bumagsak at bigla na lamang may narinig na maingay at malakas tunog.



Agad namang dinala sa Tondo Medical Center Hospital  ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.

Patuloy namang pinaghahanap ng mga operatiba ang tricycle na nag-counter flow.(Jocelyn Domenden)