Advertisers
Dead on the spot ang Board Member at driver nito nang tambangan at pagbabarilin ng hindi nakilalang salarin sa lungsod ng Malolos.
Kinilala ang biktima na si Ramil Capistrano, 56-anyos, kasalukuyang Kapitan ng Brgy. Caingin, San Rafael at Association of Barangay Captains President of Bulacan; at kanyang driver na si Shedrick Suarez.
Sa report, naganap ang pananambang noong hapon ng Huwebes, Oktubre 3 sa Service Road, Brgy. Ligas, Malolos.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, binabagtas nina Capistrano at ng driver lulan ng Mitsubishi Montero ang lugar nang paulanan ng bala ng suspek na kanilang agarang ikinamatay.
Patuloy ang imbestigasyon at follow up operation ng pulisya sa naturang krimen.
Sa Facebook inihayag ng pamahalaang bayan ng San Rafael ang lubos na pakikiramay sa pamilya at mga kaibigang naulila ng punong barangay ng Caingin at presidente ng Liga ng mga Barangay (Bulacan Chapter).
Samantala, nanawagan naman si San Rafael Mayor Mark Cholo Violago sa mga taong makakapagbigay ng impormasyon sa karumal-dumal na sinapit ng kaibigang si Capistrano.(Thony Arcenal/Mark Obleada)