Advertisers
Dating atleta ng Pilipinas sa Olympics, Asian Games at SEA Games.
Nakapag-uwi ng walong ginto sa backstroke at freestyle sa regional meet mula 1987 sa Jakarta hanggang 1993 sa Singapore.
Nagsilbi sa bayan bilang PSC Commissioner sa panahon nina Gloria M. Arroyo at Noynoy Aquino.
Swimming coach at lider ng mga Pinoy Olympian.
Asawa ni Samuel Guevarra at ina ng tatlong anak.
50 años na siya sa ika-8 ng Oktubre pero aktibo pa rin sa kanyang larangan lalo na sa Special Olympics. Ang kaisa-isang babaeng supling ay may down syndrome.
“ Panata na namin mag-asawa ang tumulong sa mga atleta na mentally-challenged, “ wika niya sa ating panayam noong Lunes sa OKS@DWBL.
“ Marami rin tayong proyekto para bigyan pagpapahalaga ang mga manlalarong Pilipino na mga kinatawan natin sa Olympics,” dagdag ng ina ni Sachiko, ang kanuang special child Gillian Akiko Nakamura Thomson Guevarra ang buo niyang pangalan.
Kilala nyo siya sa tawag na Akiko na “noble child” ang ibig sabihin sa bansang Hapon.
Saludo kami sa iyo, Akiko.
Maaari ninyo mapanood ang episode na ito sa Facebook ( https://www.facebook.com/dwblamradiolive/videos/506190302221912 ) at YouTube (https://www.youtube.com/watch?v=Dn-NO6Vzb0Q )
***
Patuloy ang drama sa buhay ni Carlos Yulo.
May natutuwa na kinuha siya na endorser ng isang bangko. Kasama sa kasunduan ang pag-advise sa kanya hinggil sa kanyang finances na aminado siyang walang gaanong alam.
Pero nandiyan pa rin ang pagbabatikos sa kanyang pagtalikod sa mga magulang.
Pati ang pag-pose niya sa social media na naka-crop top ay inulan ng kritisismo.
Talagang ganyan ang buhay lalo’t sikat ang isang personalidad.
Payong kapatid lang ni Pepeng Kirat sa ating double gold medalist sa Paris Olympics..
Lunukin mo pride mo Caloy, makipag-ayos ka sa iyong ama at ina. Puntahan mo na sila sa lalong madaling panahon.
Sige na bata. Higit kang hahangaan ng mundo kapag nagawa mo iyan.