Advertisers

Advertisers

Electoral justice, panawagan ng Atin Guro

0 25

Advertisers

Nanawagan si Ka Benjo Basas, Chairman ng Teachers Dignity Coalition (TDC) at Pambansang Tagapagsalita ng Atin Guro Partylist, na mabigyan sila ng “electoral justice” dahil sa “kalapastanganan” na ginawa sa kanila noong 2013 at 2016

Kahapon sa Istambay (Ikaw, Sila, Tayo Maglilingkod sa Bayan) Forum sa B Hotel na pinangunahan nina Rick Sakai III at Tracy Cabreta sinabi ni Basas na hindi na sila nagfile ng MR (Motion for Reconsideration) sa “denial with finality” decision ng Comelec at sa halip ay dumeretso na sila sa Supreme Court.

Nagsampa rin kahapon ang grupo ng petition for certiorari sa Supreme Court para bigyang puwang at pag-aralang mabuti ang pagpasok ng Atin Guro sa Partylist election sa 2025.
Ang midterm national at local elections ay gaganapin sa Mayo 12, 2025.



Nilinaw ni Basas na ang Atin Guro Partylist na para sa kanila ay nanalo noong 2016 pero hindi sila pinaupo.

Ipinile nila sa Comelec ang TDC under SEC (Securities and Exchange Commission) at DOLE (Department of Labor and Employment). na composed ng public teachers, ang kanilang grupo bilang, ang Atin Guro ay political party under the Party-list System.
Itinalaga siyang tagapagsalita ng Atin Guro last week at mamaya ay nasa Manila Hotel sila despite the fact na denied sa kanila ang pag-upo noong 2016.

“Partial pero substantially we only have 2,800 members. Nakita ng Comelec na meron doong doble at inalis nila ang nasal abas ng NCR at supposed to be nasa Metro Manila at 2,600 na lang. Hindi talaga siya partial, na buong kasapian na may membership form. Meron din sa Pampanga at Bacolod City, pero hindi na namin isinama,” sabi ni Basas.

Meron isang document sa petition na finile nila sa Comelec provided ang addresses ng kanilang leaders at ang hindi nakasulat sa TDC ay hindi pwede.

Magkaiba ang Atin Grupo Party-list at TDC. Naglabas ng resolution ang kanilang grupo na recognized ang pagtakbo ng TDC Party-list at nagfile sila ng appeal sa Comelec noong August 30.



Dadalhin nila ang lahat ng kailangang documents at lahat ng nominees ay sasama sa Manila Hotel Tent, kabilang ang retired teacher, active teacher sa Montalban, Rizal at NGO o institusyon na nagpoprovide ng trainings sa teachers.

Noong 2010 naorganize ang Atin Guro at four years lader natatag ang Teachers Dignity Coalition.
Kahit nga nakaupo ang ibang party-list groups ng guro ay kulang pa rin.

Ang adbokasiya nila ay hindi lamang nakatali sa Lehislatura. Marami kaming naipanalo sa mga pagkilos, rallies, engagement sa government beyond the Legislative at Ehekutibo.

“Hindi naman kami nagsasawa sa paglaban sa adbokasiya ng edukasyon na alam naman natin na mas magaling, mas mataas ang kalidad,” sabi ni Basas.

Ang relasyon ng Teachers Dignity Coalition at Atin Guro ay inayos at wala sa page ang address ng teachers.

Kung nag-MR sila sa Comelec, baka may chance pa. Hindi na sila umabot sa period ng filing ng MR na five days from August 2, 2024 na may denial with finality ng Comelec, kaya dumiretso na sila sa Supreme Court.

Sa tingin ni Basas ang Comelec ay “abusive” dahil diumano ay nilapastangan sila noong 2013 at 2016 at bigyan na sila ngayon ng “electoral justice”.