Advertisers

Advertisers

International gymnastics meet gaganapin sa Muntinlupa

0 57

Advertisers

ILANG buwan matapos masungkit ni Carlos Yulo ang makasaysayang two-gold medals sa 2024 Paris Olympics, ang international gymnastics event ay nakatakdang ganapin dito sa bansa.

Ang STY International Gymnastics Cup, ang kanilang ninth edition, ay gaganapin simula sa Oktubre 18 hanggang 20 sa Muntinlupa Sports Complex.

Ayon sa PGAA STY Gymnastics Center, mahigit 700 athletes mula sa Asia,kabilang ang Pilipinas , Indonesia, Hong Kong, Vietnam, at India, ang maglalaban sa uneven bars, balance beam, vault, at floor exercise.



“I am looking forward to this year seeing more promising athletes showcasing their skills in the competition, making new friends and learning from each other,” Wika ni STY Gymnastics Center founder at head coach Boots Ty sa kanyang pahayag.

“I am also pleased to share that this year, there has been increased participants from provinces around the Philippines and also for the first time, we will be having a Men’s Artistic Gymnastics category,” dagdag ni Ty.

Ang PGAA STY Gymnastics Center ay itinatag noong 2008.