Advertisers
ANG Philippine memory team ay naguwi ng 14 gintong medalya matapos ang impresibong performance sa Asia Open Memory Championship na ginanap sa Singapore Setyembre 28 hanggang 29, 2024.
Lahat ng anim na batang memory athletes ay nagbulsa ng 7 silvers at 5 bronzes.
Sa Juniors division, 17-year-old Grandmaster of Memory (GMM) Chloe Andrea Galamgam nasilo ang 7 golds,kabilang ang overall champion sa division.
Nagwagi siya ng medalya sa 30-minute binary numbers,5-minute numbers,30-minute numbers,30 minute marathon cards,15-minute random words at spoken numbers.
Nagwagi rin siya ng silver sa 15-minute names at faces,5-minute speed cards at 5-minutes dates plus bronze sa 5-minutes random images.
Na promote rin siya mula sa GMM first dan to second dan matapos ma memorize ang sumusonud:8 decks of shuffled cards in 30 minutes, a deck of shuffled cards in 79 seconds (speed cards), 728 random numbers in 30 minutes at 160 random words sa 15 minutes.
Charles Andrei Galamgam, 14, nasungkit ang gold sa 5-minutes speed cards at 5-minutes dates habang nakakuha ng silver sa 5-minute random images at bronze sa 5-minute numbers.
Angel Mikhaila Sanchez, 17, nakatanggap ng special citation na Best New Player of the tournament.
Sa Kids division, 11-year-old Chelsea Anne Galamgam nagwagi ng gold sa 5-minutes speed cards category. Nagbulsa rin siya ng silver sa 15-minutes names at faces, 5-minute numbers at 30-minute number. Overall, nalagay siya sa third place sa kanyang division para sa bronze medal.
Kabouang 51 memory athletes ang kumatawan sa pitong bansa — — Japan, Singapore, Indonesia, Malaysia, China, Myanmar at Pilipinas-ang sumabak sa tournament.
“This is our largest gold medal haul from an international championship in the history of Philippine memory sports,” Dagdag ni Bonita.
Ang Pilipinas ay unang lumahok sa international memory sports championship noong 2010 na may five GMMs.
Ang Asia Open Memory Championship ay sanctioned ng Asia Memory Sports Alliance (AMSA) at Global Alliance of Memory Athletics (GAMA).