Advertisers

Advertisers

Shiela Leal Guo ginisa sa paglabag sa Immigration law

0 29

Advertisers

Nagsagawa ng pandinig ang Bureau of Immigration’s Board of Special Inquiry (BI-BSI) sa Deportation case laban kay Shiela Leal Guo nitong Biyernes, October 4,2024.

Kinilala ang akusado na si Shiela Leal Guo @ Zhang Mier, na nahaharap sa misrepresentation case sa BI sa pagpapanggap na isang Pilipino.

Personal na humarap si Shiela Guo, kapatid ni dismissed Mayor Alice Guo, sa ipinatawag na pagdinig ng BSI ng BI.



Matatandaang nang maaresto si Shiela Guo ng mga awtoridad sa Indonesia bukod sa Philippine passport may nakuha rin Chinese passport rito na ang nakalagay na pangalan Zhang Mier.

Sa inisyal na imbestigasyon ng NBI iisang tao lamang si si Shiela Guo at chinese na si Zhang Mier.

Ayon sa ulat, noong Sept. 10, 2024, tinanggap ng BI Board of Special Inquiry (BSI) ang deportation case ni Shiela Leal Guo buhat sa Legal Division (LD) para sa resolusyon.

Kinumpirma ng abogado ni Shiela Leal Guo ang pagkakaroon ng mga kaso ng disobedience to summons at New Passport Act sa harap ng Pasay RTC.

Sinabi ng BI na summary in nature ang pagdinig at kailangan lamang ng substantial evidence para patunayan kung nilabag niya ang batas ng immigration at kung mapatunayan, agaran itong ipapatapon palabas ng bansa.



Isusumite ang kaso para sa desisyon kapag ang lahat ng partido nagpakita ng mga argumento bilang suporta sa kani-kanilang mga posisyon.

Sinabi ni Atty. Howard Santos ng BI na isinagawa ang imbestigasyon na nakatutok sa deportasyon.

Ayon kay Atty. Gilbert Repizo, Chairman BSI, na personal niyang pinatawag si Shiela Leal Guo dahil may gusto silang maliwanagan sa kaso subali’t hindi pa sila makapagbigay ng substance sa hearing dahil baka ma-preem ang kaso at sa mga ebidensiya ‘di rin nila masasagot dahil bahagi pa ito ng deliberation.

“Sa ngayon nakikita naman ninyo na gumagalaw at gumugulong ang imbestigasyon, upang agarang mabigyan na ito ng resolusyon,” wika ni Atty. Repizo.

“Hanggang maari ‘di namin tutulugan ang kaso.”

Ayon sa abogado ni Shiela, may kaso ang kanyang kliyente sa Pasay RTC dahil sa disobedience sa summon ng Kamara at Senado at may hiwalay rin kaso sa paglabag sa New Philippine Passport Law.

May naka-pending rin na reklamo sa kanya sa Department of Justice (DOJ) dahil sa Anti-Money Laundering.

Sinabi pa ni Repizo na hindi pa mai-de-deport si Shiela Leal Guo hanggang may mga nakabinbin pa itong mga kaso na dapat tignan mabuti baka mga pekeng kaso ito.

Dagdag pa ni Atty. Repizo, na binigyan nila ang both party na magsumite ng kani-kanilang mga memorandum sa loob ng 7 araw at maglalabas sila ng rekomendasyon sa loob ng 15 araw.

“This is a strong signal for all sa mga nagloloko. Ngayon mananagot na sila sa batas,” mariing pahayag ni Atty. Repizo.(Ronald Bula)