Advertisers

Advertisers

STANDBY FUND NG GOBYERNONG MARCOS JR., DOLEOUT O KARAGDAGANG UTANG?

0 32

Advertisers

Nakapag-secure umano ang Department of Finance ng standby fund mula sa World Bank na handang magamit ng Pilipinas sa panahon ng emergency o krisis.

Sa isang statement, inanunsiyo ng DOF na ang paglagda sa Rapid Response Option agreement ni DOF Sec. Ralph Recto kasama ang World Bank Group (WBG).

Ang Pilipinas ang kauna-unahang bansa na lumagda sa naturang kasunduan kasama ang naturang multilateral institution na nakabase sa Amerika.



Ang naturang kasunduan ay parte ng expanded crisis preparedness at response toll kit ng WBG na naglalayong matulungan ang mga bansa na agad at epektibong makatugon sa mga pangangailangan sa panahon ng krisis.

Pinapayagan din nito ang Pilipinas na makapag-access sa 10% ng kanilang unused funds sa International Bank of Reconstruction and Development para makatulong sa emergency response.

Kabilang dito ang access sa pondo at pagbibigay ng mahahalagang serbisyo gaya ng healthcare, shelter at pagkain nang hindi naaantala.

Samantala,hindi malinaw sa sinabing ito ni Sec.Ralph Recto kung ito ay dole- out o tulong ng World Bank sa ating bansa o karagdagang utang ng Pilipinas mula sa nasabing financial institution.

Hindi rin klaro ang detalye ng sinasabing standby fund at kung saan ito gugugulin.



Hay naku po…

Usapang-pera na naman ito lalo pa at nalalapit na ang 2025 midterm elections.

Paano kung ang sinasabing pera o pondo ay gamitin sa pagbili ng boto ng mga administration candidates partikular sa mga senatorial aspirants ni Marcos Jr.?

Alam naman natin na gustong- gusto ng administrasyong ito na makuha ang mayorya ng Senado para sa isinusulong nilang People’s s Initiative (PI).

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com