Advertisers

Advertisers

“Tinutupad ko lang ang pinangako ko!” — SV

0 14

Advertisers

Ni Blessie Cirera

ITO ang binitawang salita ni Manila mayoralty candidate at Tutok to Win Partylist representative Cong. Sam Verzosa kamakailan sa idinaos na media conference nitong Driven To Heal charity event sa Frontrow Headquarters sa QC.

Isinagawa ang mediacon para ipakita ang pagbebenta ni Sam ng kanyang sampung luxury cars na nagkakahalaga ng P200-M para sa pagpapatayo ng Dialysis and Diagnostic Centers sa Manila.



“This is for the building of Sampaloc Dialysis and Diagnostics Center. Ito po dagdag lang. Meron na tayong mga SV mobile complete with laboratory equipment, X-ray, ECG, ultrasound,” tsika ni Sam.

Sinabi rin ni SV na minsan lang umano niya nagamit ang mga luxury cars niyang Rolls Royce, Mercedes Benz, Lamborghini, Maserati, Bentley, Audi, Ferrari, Spider, Ferrari M12 at McLaren.

“May SV mobile botica na umiikot everyday para magbigay ng gamot sa mga kababayan natin,” aniya pa.

Samantala, karagdagan lang din daw ito para matayuan ng dialysis center ang ilang lugar sa lungsod ng Maynila, una na rito ang Sampaloc kung saan siya lumaki.

Wala pa man sa posisyon ay kaliwa’t kanan na ang pagtulong ni SV sa mga kababayan niya hindi lang taga-Maynila kundi maging sa iba’t ibang bahagi ng bansa.



Sey pa nga ni SV, marami umano ang lumalapit sa kanya para manghingi ng pambili ng gamot o pagpapaospital kaya sa pamamagitan ng pagpapatayo ng diagnostic at diaysis centers mula sa napagbentahan niya ng kanyang mga luxury cars ay mas makatutulong na umano sila sa mga nangangailangan.

Si Sam ay abala pa rin sa kanyang public service TV show na Dear SV na napapanuod sa GMA 7 tuwing Sabado ng alas 11:30 ng gabi.