Advertisers

Advertisers

BAGSAK NA TRUST RATING NI VP SARA!

0 39

Advertisers

HINDI na nakapagtataka ang dahilan ng biglaang pagbagsak ng trust rating ni Vice President Sara Duterte, mula 45% sa buwan ng Hulyo ay lumagapak ito ng 29% nitong Setyembre.

Ayon kay House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe ng Zamboanga City, dahil narin ito sa patuloy na pagtanggi o pagkabigo ng hindi maipaliwanag na paggasta ng tanggapan ng OVP sa mga nakalipas na pagdinig ng house committee on appropriations ukol sa paggamit ng pondo ng bayan.

Ang pahayag ni Dalipe ay base sa latest survey ng think tank Stratbase, Inc. nito lamang nakalipas na buwan ng Setyembre kungsaan ang trust rating ni VP Sara ay lumagapak ng 16 porsyento, na umabot sa 29% nitong nakalipas na buwan mula sa 45% noong Hulyo.



Napag-alaman pa sa survey na mas naniniwala ang mga respondent na ang pagbagsak ng trust rating ni VP Sara ng 10% ay nasasalamin sa pagbagsak ng kanyang popularidad.

Dagdag pa ng Zamboa-nga City solon, ang patuloy na pagtanggi na sagutin at maipaliwanag sa pagdinig ng kongreso ang mga alegasyon ng “iregularidad” sa Office of the Vice President (OVP) at sa panahon din bilang kalihim pa ng Dept. of Education (DepEd) kungsaan ito aniya ay nagdulot ng kawalan ng public confidence sa hanay ng elected officials.

“Sa palagay natin, nagde-demand ng transparency at accountability ang taumbayan kay VP [Sara] sa gitna ng napakaraming tanong na hindi niya sinasagot o masagot. Repleksyon ito kung anong klaseng lider ka kasi dapat iniingatan natin ang pondo ng bayan,” diin ni Dalipe. (Henry Padilla)