Advertisers

Advertisers

COMELEC CHAIRMAN DAPAT MAGRESIGN – REP. ERECE

0 15

Advertisers

Ito ang mariing ipinunto ni Rep. Edgar “Egay” Erece na kailangang magbitiw na sa posisyon si Commission on Election (COMELEC) Chairman George Garcia dahil sa pag-aaktong lawyer ng MIRU na gagamiting vote counting machines sa 2025 midterm elections gayong wala naman umanong kakayanan at hindi pa tested ang nasabing machines.

Ang Miru ang ipapalit sa Smartmatic na ginagamit bilang vote counting machines nitong mga nagdaang election na nabahiran ng anomalya hinggil sa dayaan na kadudaduda ang naging pagkapanalo ng ilang mga kilalang politicians sa ating bansa.

Ayon kay Rep. Erece ay P2 bilyon umano ang malulustay sa pondo ng gobyerno sa paggamit ng MIRU na aniya ay ngayon pa lamang magagamit at ang bansa natin ang kauna-unahan na hindi pa umano natetesting ang kalidad ng nasabing counting machines.



Isa umanong malaking katanungan ay kung bakit tinanggal ni COMELEC Chairman Garcia sa joint venture ang St. Timothy Construction Corporation gayong ito ang may kapasidad para sa financial aspect kumpara sa 2 co-joint venture na kapos sa larangan ng aspetong pinansiyal.

Aniya, ang St. Timothy ay tinanggal dahil sa conflict of interest na ang nagmamay-ari raw nito ay kandidato bilang Mayor ng Pasig City na si Sara Discaya.

“Paanong napasama si Sara Discaya na may-ari ng St. Timothy e gayong sa Information sheet, ang 7 pangalan ng mga nagmamay-ari na pinangungunahan ni Miguel Juntura bilang President ay wala man lang nakalistang Sara Discaya at ang kompanya ng DISCAYA ay ang St. Gerard Construction,” paglalahad ni Rep. Erece.

Aniya, sa pagkakatanggal ng St. Timothy sa Miru Joint Venture ay hindi na umano ito compliant sa requirement ng procurement law at malinaw aniyang wala nang katiyakang mapopondohan pa ang project o ang counting machines na gagamitin sa national election.

Ang COMELEC ay walang kakayanang mapondohan ang kontrata at sa kabila ng kautusan ni Garcia na rebisahin ang epekto sa pagkawala ng St. Timothy ay mismong si Garcia na umano ang nagsilbing lawyer pabor sa Miru.



Sa pagtatanggol umano ni Garcia sa Miru ay maghahain pa umano ng iba pang mga kaso si Rep. Erece laban kay Garcia at maghahain din ito ng impeachment case laban sa nasabing opisyal.