MDRRMO pinuri ni Mayor Honey
Advertisers
PINURI ni Manila Mayor Honey Lacuna ang mga officers at staff ng Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) sa ilalim ni Director Arnel Angeles dahil sa round-the-clock na serbisyo nito sa lungsod at sa mga residente.
Sa kanyang mensahe nitong Lunes ng umaga sa flagraising ceremony, sinabi ni Lacuna na ang MDRRMO ay nagtatrabaho kahit na lagpas sa itinakda nilang gawain nang walang karagdagang sahod o anumang kapalit.
“Gusto ko pong magpasalamat sa pamilya ng MDRRMO sa inyong 24/7 na pagtugon sa lahat-lahat ng pangangailangan ng ating lungsod. Isa po sa pinakamabigat na thngkuli ng ang ginagawa ng MDRRMO…24/7 po silang naka-antabay sa lahat ng ganap. Lahat ng klase ng sakuna— bagyo, baha, sunog pati aksidente sa daan, sakop na nila kaya nga po sabi ko wala bang kapaguran ang MDRRMO? Wala. Kasi bagama’t napakarami nilang responsibilidad ay agaran pa rin nila itong nagagawa. Maraming, maraming, maraming salamat,” pahayag ng lady mayor.
Idinagdag ng alkalde na maging sa monitoring ng lagay ng panahon, ang MDRRMO ay nagtatrabaho pa rin, non-stop sila sa nagtatrabaho upang i- update ang city government kung saan ibabase ang gagawing aksyon kung kailangan o ‘di kailangan na suspindihin ang klase.
‘Yan po ang hindi alam ng lahat…every three hours po ang update ng PAG-ASA…alas-5, alas-8, alas-11, alas-2 at ‘yan po ang laging inaabangan namin ni Director Angeles para hindi po tayo maantala sa pagdedeklara kung me pasok o wala
Binanggit din ni Lacuna ang MDRRMO dahil sa pagiging first responders sa mga kaso kung saan kailangang isalba ang mga tao kapag mayroong bagyo o malawakang pagbaha sa mga lugar tulad ng Baseco, Isla Puting Bato at Parola maging sa mga insidente ng sunog.
“Hindi po nila iniisip ang sarili nilang kaligtasan. Para po sa kanila, mas importante ang buhay ng iba, bago sa kanila. saludo po kami sa inyo,” saad ng alkalde. (ANDI GARCIA)