Advertisers
SA panahon ng mga hamon ng kalusugan, ang PhilHealth ay na-nanatiling kaagapay ng bawat Pilipino sa pagharap sa mga gastusing medikal.
Ito ang inihayag ni Philhealth President/CEO Emmanuel Ledesma, Jr, kasabay ng ginawang paglulunsad ng Philhealth ng mas pinalawak at mga bagong benepisyo.
Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr na palakasin ang sistema ng kalusugan sa bansa, dinagdagan ng Philhealth ng hanggang 50 porsiyento ang benepisyo sa mga sa-kit na karaniwang nakakaapekto sa mga Pilipino kabilang dito ang pneumonia, severe dengue, stroke, chronic kidney disease, asthma, sepsis, ischemic heart disease, cataract at hemodialysis.
Bago matapos ang taon ay sakop narin ng Philhealth benefit ang chemotherapy para sa ilang cancers kabilang ang lung, liver, ovary at prostrate.
Ipinagmalaki ni Ledesma na hanggang 2026 ay nakalatag ang pondo para sa benefit package para mga Pilipino kaya walang dahilan para hindi magpakunsulta at magpa-confine.
Ipinagmamalaki rin ng PhilHealth na ang Pilipinas ang kauna-unahang bansa sa Asia Pacific na naglunsad ng isang outpatient therapeutic care package para sa Severe Acute Malnutrition na sinimulan nang ipinatupad Oktubre 1, 2024.
Nasa P7,500 halaga ng malnutrition package ang maaaring matanggap ng mga sanggol na edad 0 hanggang 6 buwan gulang, habang P17,000 sa mga may edad 6 buwan hanggang 5 taon.
Layunin ng benepisyong ito na labanan ang malnutrisyon sa mga bata at bawasan ang pasaning pinansyal ng mga pamilyang apektado nito.
Bilang karagdagan, inalis narin ang patakaran sa Single Period of Confinement (SPC) upang matulungan ang mga miyembrong nangangailangan ng tuloy-tuloy na gamutan.
Tataas din ng 59% ang benepisyo para sa hemodialysis mula P4,000 ay magiging P6,350 kada dialysis na simulang mararamdaman ng mga pa-syente simula Nobyembre.
Dahil dito, aabot na sa halos P1 milyon kada taon ang benepisyo sa bawat dialysis patient na makakatanggap parin ng kabuuang 156 dialysis treatment kada taon.
Kasabay ng pagpapalawak ng benepisyo, gumagamit din ang PhilHealth ng makabagong teknolohiya upang mapabuti ang kanilang mga serbisyo.
Nakipagtulungan ang Philhealth sa Department of Information and Communication(DICT), Department of Health (DOH), at Philippine Statistics Authority (PSA) upang mas mapadali ang proseso ng mga serbisyo ng PhilHealth, lalo na para sa mga nasa malalayong lugar.
Sinabi ni Ledesma na pinalawak din ang programang “Konsulta” na nagbibigay ng libreng konsultasyon, diagnostic tests, at mga gamot.
Kabilang sa Konsulta Program ang pagbibigay ng 21 klase ng gamot, primary care services at 15 diagnostic services kasama ang mammography gayundin ang ultrasound sa breast, abdomen at pelvic.
Samantala, pinawi ni Ledesma ang pangamba na mawawalan ng pondo ang Philhealth. Aniya, mara-ming funding support ang Philhealth kaya hindi concern ang mauubusan ng pondo ang ahensya.
Aniya pa, nagkaroon narin ng pagbabago sa pagbabayad ng Philhealth sa mga ospital. Sa katuna-yan, ikinalulugod ng Philippine Hospital Association ang maagap nang pagbabayad ng Philhealth kaya ang apela ni Ledesma sa publiko ay huwag maga-tubili na magpa-check up o magpa-confine kung may iniindang sakit dahil kaagapay ng bawat Pinoy ang Philhealth.
Upang mas maabot ng Philhealth ang mas nakararaming Filipino, umaapela si Ledesma sa healthcare providers, pribado man o publiko, na magpa-accredit sa Philhealth para makapagbigay ng mas abot kayang serbisyo medikal.