Advertisers
PINANGUNAHAN ng Department of Agriculture Regional Field Office 12 (DA-RFO 12), kasama ang Provincial Government ng Cotabato at iba pang national government agencies, ang pagsasagawa ng Serbisyo Caravan cum Outreach Program sa Brgy. Labu-o, President Roxas, Cotabato.
Ang kaganapan, sa pangunguna ni DA Assistant Secretary at PRLEC-ELCAC Chairperson, James A. Layug,ay para maisakatuparan ang paglalatag ng mga government services rekta sa mga malalayong komunidad at mapayabong ang katahimikan at kaunlaran sa rehiyon.
Naibaba ng DA-RFO 12 ang mga suportang kailangan ng mga farmer-beneficiaries, gaya ng mallard ducks production project na nagkakahalaga ng P365,000 mula sa SAAD Program. Mayroon ding 11 bags ng hybrid corn seeds na nagkakahalaga ng P60,500.
Meron din 300 hard hats, 100 pares ng farm boots, at 100 seedlings ng ina’t ibang klase ng puno; anim na sako ng bigas at 200 bote ng processed chocolate milk.
May mga serbisyong gaya ng Assistance with the Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) registration din.
Binigyang diin ni Layug ang kahalagahan ng partisipasyon ng mga komunidad sa mga programa at mga proyekto ng pamahalaan, lalo na para sa karahimikan at kaunlaran.
Gaya na lamang daw ng nakaplano ng farm-to-market road (FMR), na may kasamang 61 sites na nakareserba sa buong Cotabato, kasama na ang 24 para sa President Roxas.
Marami sa ahensiyang lumahok sa Serbisyo Caravan ang nagbigay rin ng mga serbisyo nito.
Ang Philippine National Police (PNP) namahagi ng mga footwear. Ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Department of Agrarian Reform (DAR) ay namahagi naman ng 13 Certificates of Land Ownership (CLOA).
Ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ay nagbigay ng mga livelihood training. Ang Integrated Provincial Health Office (IPHO) ay namahagi naman ng Philhealth ID, free medical check-ups, at free medicine.
Ang sama-samang paglalatag ng mga ganitong serbisyo ay isang magandang ehemplo na ang mga PRLEC-ELCAC cluster ay tunay na mapapakinabangan lalo na kung pamumunuan ng mga gaya ni Layug.